Isang Retired Police Dog, naluha nang muling makita ang kanyang handler na umantig sa puso ng Madla

Ang asong si WangWang ay walong taong gulang na isang German Shepherd, siya ay nagserbisyo bilang isang sniffer dog sa security checkpoint sa Xichuan area ng Henan Province.

Taong 2019 buwan ng Hunyo si WangWang ay nag retiro na bilang sniffer dogs iya ay dinala sa isang lugar kung saan ito ay makakapamuhay ng maayos at ligtas.

Subalit kasabay nang pag-alis nito sa serbisyo ay nangangahulugan din ito na hindi na niya maaari pang makita at makasama ang kanyang handler.

Ngunit nito lamang isang buwan ay napag-isipan ng kanyang handler na si Police Officer Matan na sorpresahin ang dati nitong alaga.

At nang makarating si Police Officer Matan sa bagong tahanan ng kanyang dating alaga ay tila nakilala parin siya nito. Agad na lumapit sa kanya habang tumatakbo si WangWang at dinilaan ang binti ng kanyang dating tagapag-alaga.

“Wangwang’s hair is whitened, but he’s well-fed, he’s getting fat. It’s always hard to say goodbye to your friends.” Pahayag ng amo ni WangWang.

Namangha ang mga netizens sa ginawa ni WangWang, ayon nga sa ibang netizen hindi raw lahat ng hayop tulad ng aso ay naluluha ng ganito.

Narito ang ilang komento mula sa mga netizens :

“You can tell how much Wangwang misses his handler,” Komento ng netizen.

“Dog is a loyal friend, please treat him well!” Pahayag pa ng isa!

“Very loyal Dog, true friend and family <3” Sambit pa ng isang netizen

Patunay na mabilis magtiwala ang mga asong ito sa kanilang mga tagapag-alaga kung kaya naman hindi natin dapat ipagsawalang-bahala ang damdamin ng ating mga alagang hayop.

Kung sa iba ay maliit na bagay lamang ito, subalit sa iilan ay napakalaking bagay na nito para sa hayop na mayroong malaking tiwala sa kanilang mga amo.