Isang Japanese Girl na pinapantasya ng marami, napag-alaman na isa palang tunay na lalaki at nasa 50 taong gulang na

Sa panahon ngayon halos lahat ay gumagamit na ng social media maging bata man o matanda ay nahuhumaling dito. Isa sa mga magandang naidudulot nito ay ang pagkakaroon ng komunikasyon ng bawat isa kahit ito ay magkalayo.

Katulad na lang nitong nagkaroon ng pandemya marami sa atin ang nakinabang dahil sa pagkakaroon ng mga online service tulad ng mga pagbabayad natin ng ating mga bills o kaya naman ay pagpapadeliver natin ng pagkain sa tulong ng mga ito ay hindi na natin kailangan lumabas at nakaiwas tayo sa maaari nating makuhang sakit sa labas ng bahay.

Samantala, Mayroon din naman naidudulot na hindi maganda ang masyadong pagkawili sa online dahil kung minsan ay nagiging sanhi ito para tayo ay maloko.

Katulad nalang ng isang social media app na ngayon ay tinatangkilik ng marami, Ito ay ang FaceApp kung tawagin dito ay maaari tayong magpalit ng mukha o mag ibang anyo.

Sa pamamagitan kasi ng Application na ito ay napapaganda ang pisikal na anyo. sa katunayan nga ay mayroon isang Japanese Girl ang talagang hinahangaan at pinapantasya ng marami sa online dahil sa pambihira nitong kagandahan.

Subalit ang inaakala palang magandang dalaga ay isa palang tunay na Lalaki at nasa 50 taong gulang na!

“I’m an uncle in his 50s who usually works from home. I’m addicted to FaceApp, and I’m uploading selfie photos with cute processing.” – Pahayag ng naturang Hapon na tuwang-tuwa sa kinalabasan ng kanyang larawan sa naturang FaceApp.

Talaga naman na ikaw ay mamangha sa mga larawan niya na mukhang babae at hindi mo aakalain na siya pala ay isang lalaki, Kaya naman isa itong patunay na hindi dapat tayo maging kampante sa mga bagay na nakikita natin online.

Sa panahon ngayon ay maraming masasamang loob na talagang nanloloko ng ibang tao para lamang sa kanilang pansariling interes. Kaya dapat ay may kaakibat na pag-iingat ang ating paggamit ng mga social media platforms.