Isang Binata, nagmahal ng single mom na mayroong tatlong anak, umani ng iba’t-ibang reaksyon mula sa madla

Pagdating sa pag-ibig lahat ay hahamakin masunod lang ang puso ganyan ang ating palaging naririnig sa mga taong tunay na nagmamahalan, sa panahon kasi ngayon ay maraming mga relasyon na inuulan ng mga panghuhusga at pambabatikos dahil lamang sa kanilang pag-iibigan na para sa iba ay alangan dahil sa malaking agwat ng kanilang mga edad.

Kung minsan ang babae ay mas matanda sa karelasyon nitong lalaki o di kaya naman ay mas matanda ang lalaki kaysa sa karelasyon nito, Mayroon din naman na pagkakataon kung saan ang isa sa magkarelasyon ay biyudo o biyuda o kaya naman ay may anak subalit hiwalay sa asawa.

Katulad na lang ng sitwasyon ng isang magkarelasyon na sina DJ at Melai, sa kanilang pag-iibigan ay maraming natuwa subalit mayroon din naman napakunot noo dahil sa kanilang sitwasyon sa buhay.

Napag-alaman kasi na si DJ ay isang binata at ang karelasyon naman nito na si Melai ay isang single mother, bukod dito mayroon din tatlong anak si Melai mula sa una nitong asawa.

Dahil sa kanilang estado marami ang humusga kay DJ dahil sa naging pagpili raw nito ng kasintahan at makakasama sa buhay. Ang sinasabi raw ng marami ay maaari naman daw pumili ng dalaga at walang anak si DJ subalit mas ginusto niyang makarelasyon kay Melai na mayroong mga anak.

Subalit ang lahat ng yan ay binalewala ni DJ at pinatunayan niya sa publiko na hindi siya nagkamali ng pinili. Dahil sa wagas na pagmamahal niya kay Melai ay nagkaroon siya kaagad ng tatlong mga anak na mahal na mahal niya at mahal na mahal rin siya ng mga ito.

Dagdag pa DJ nagpapasalamat din siya sa mga anak ng kanyang karelasyon dahil hindi daw nagdalawang isip ang mga ito at itinuring siyang tunay na ama. Sa kasalukuyan ay mayroon na rin silang sariling anak ni Melai at nasasabik na silang masilayan ang kanilang Baby Number 4.

Patunay lamang ito na tunay ang pagmamahal ni DJ para kay Melai, at siya ay kahanga hangang lalaki dahil sa pag ako ng gampanin at responsibilidad ng ibang anak ni Melai.

labis naman ang pasasalamat ni Melai dahil dumating sa buhay nila ng kanyang mga anak ang isang tao na tulad ni DJ. Samantala, naghihintay na lamang si Melai na mapawalang-bisa ang kasal na una para sila ay makapag pakasal na ni DJ.