Isang OFW na bumili ng Balut sa Pilipinas, laking gulat ng makarating ito sa Kuwait at isa na itong Buhay na Itik

Marami sa atin ang nagtutungo sa ibang bansa para doon magtrabaho bilang isang Overseas Filipino Worker o OFW at doon nagbabakasakali na magkaroon ng magandang buhay para sa kanyang pamilya.

Hindi mo masisisi ang marami nating kababayan na nag-iibang bansa upang doon magtrabaho dahil mas malaki naman talaga ang kita kaysa dito sa Pinas kuya lahat ng hirap ay kanilang tinitiis at sila ay nagsasakripisyo para sa pamilya.

Masasabi rin na ang mga OFW ay ang ating modernong bayani dahil sila ay malaki ang na-i-ambag sa ating lipunan dahil sila ang mga nag-aangkat ng dolyar para sa ating bansa.

Ang nakakalungkot pa ay may mga kababayan tayong nababalitaan na naabuso ng kanilang mga mo o kaya naman ay minomolestiya. Hangga’t maaari ay ayaw nating maranasan ito ng ating mga kababayan lalong lalo na ng ating mahal sa buhay.

Samantala, sa kabila nito ay marami naman sa ating mgas kababayan ang nagtatagumpay sa kanilang mga buhay at ang iba naman ay masayang namumuhay at nagtatrabaho dito.

Kamakailan nga lang ay may isang OFW na nagbahagi ng isang video sa social media at nagbigay aliw sa marami, Ito ay kung saan bumili siya ng balut sa Pilipinas at pagdating sa bansang Kuwait na kanyang pinagtatrabahuhan ay isa na itong buhay na itik.

Ang naturang video ay umani ng iba’t-ibang magagandang komento at umabot ng 7.5 million views.

Kapansin-pansin ang ginawa niyang “unboxing” kung saan ginunting pa niya talaga ang naturang lalagyan kung saan unti-unti nang dumungaw ang buhay na itik. Talaga namang maraming mga netizens ang nagbahagi ng kanilang mga komento at reaksyon sa naturang video.

Talaga naman na ikaw ay mamangha at sa kabilang dako ay matutuwa, sino nga ba ang mag-aakala na ang paboritong pagkain ng mga Pilipino na balut ay makakarating sa bansang Kuwait. Ang nakakatuwa pa rito ay hindi bilang isang balut kundi bilang isang Itik na pwede nang alagaan.