Isang batang babae na tumigil mag-aral para maging TikToker, dinala ng sariling Ama sa kanyang trabaho para turuan ng leksyon

Huminto sa pag-aaral ang isang babae dahil siya raw ay nababagot na sa paaralan at sa halip ay mas gusto raw niya maging isang TikToker, Dahil dito dinala siya ng kanyang ama sa pinagtatrabahuhan nito at ang kanyang anak ay ginawa niyang trabahador para ito’y turuan ng leksyon!

Sa panahon ngayon kung saan lahat ng mag-aaral ay nag-aaral sa pamamagitan ng online class dulot na rin ng pandemya, Subalit dahil hindi aktwal na nakikita at nasusubaybayan ng mga guro ang mga mag-aaral marami sa mga ito ang tila tinatamad at naiinip sa pag-aaral.

Marami din sa mag-aaral ngayon ang sinasayang ang taon at mas pinipili na hindi mag-aral, Tila hindi nila iniisip ang pagsasakripisyo ng kanilang mga magulang para sa kanilang kinabukasan.

Para sa mga magulang ay masakit at mahirap ang harapin ang ganitong sitwasyon kung saan ginagawa na nila ang lahat para sa kanilang anak subalit binabalewala ng mga ito.

Samantala, Usap-usapan ang ginawa ng isang Ama sa kanyang anak na babae sa bansang Mexico, dinala raw niya ito sa kanyang pinagtatrabahuhan na construction site upang magtrabaho dito ito ay matapos raw tumigil ng kanyang anak sa pag-aaral para maging isang TikToker.

Tila, Gusto raw ng batang babae na nakilalang si Estrella na maging isang influencer, na ayon sa kanya ay maaari siyang kumita ng higit pa bilang isang Tiktoker kaysa kung siya ay pumasok sa paaralan. Sinabi rin ni Estrella sa kanyang ama na boring o nakakatamad sa paaralan.

“My daughter had run away from home because she wanted to do TikTok, so I brought her here to the construction site so she can see that it’s not easy to earn money. You have to work hard for money. She says that she can earn more than a professional doing TikTok. She doesn’t want to study,” Pahayag ng Ama.

Gulat na gulat raw siya ng sagutin siya ng kanyang anak tungkol sa paaralan :

“It’s not good for anything. I could earn more by being an influencer than by studying and having a profession.” Sambit ni Estrella sa kanyang ama.

Gayunpaman, iginiit ng ama na ang pagiging isang influencer ay hindi isang garantiya na magkakaroon siya ng pera sa hinaharap, at maaari siyang maging isang trabahador.

Ayon pa sa ama ni Estrella, siya daw mismo ay isang Bricklayer kaya naman dinala niya si Estrella sa construction site upang magtrabaho at maranasan ang hirap na kumita ng pera.

Sinabi niya sa kanyang anak na magdala ng isang sako ng semento, ngunit hindi niya magawa dahil napakabigat nito para sa kanya.

“You’re not cut out for this kind of thing, Estrella. You were raised delicately. In the real world, you have to earn your money by the sweat of your brow. That TikTok stuff isn’t going to do you any good,”-pahayag ng Ama ni Estrella.