Dating Riles Boy isa na ngayong matagumpay na Negosyante, Kumikita nga 1 Milyong piso kada Buwan sa kanyang Siomai Business

Isang kwento na puno ng inspirasyon ang hatid ng dating Riles Boy na ngayon ay isa nang matagumpay na negosyante at isa na rin milyonaryo.

Siya si Henry Guruta, Naging inspirasyon siya ng marami dahil sa kanyang pinagdaanan sa buhay mula sa pagiging kapos sa buhay na ngayon ay isa nang milyonaryo. Ang buhay ni Henry na dating Riles boy ay hindi naging madali masalimuot ang kanyang tinahak lumaki siya sa riles ng train kasama ang kanyang ama at dalawang kapatid.

Simula raw ng iwanan sila ng kanyang ina sa murang edad na sampung taon gulang ay natuto na siyang magbanat ng buto para makatulong sa kanyang ama at mga kapatid.

Mas lalo namang naging mahirap ang sitwasyon ng kanilang pamilya nang mabuntis ang kanyang nakakabatang kapatid na babae habang nag-aaral.

Dahil nga dito, ay mas lalo pang nagsumikap si Henry kung saan nga ay nag doble kayod siya upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang kapatid at ang anak nito.

Hindi ininda ni Henry ang hirap at hamon ng buhay bagkus ay mas pinili niyang magpatuloy sa kabila ng pagsubok na nararanasan. Pumasok siya sa iba’t-ibang trabaho habang siya ay nag-aaral.

At hindi nagtagal lahat ng kanyang paghihirap ay napawi ng siya ay makapagtapos ng kolehiyo at nagdesisyon siyang makipag sapalaran sa Nueva Ecija.

Doon ay nakilala niya ang kanyang naging asawa na si Jen silang dalawa ay magkatuwang na sumubok ng negosyo kung saan naisipan nilang gumawa ng homemade recipe ng kanilang siomai. Mayroon din silang munting stall o tindahan kung saan nila ito binebenta.

Pumatok ng husto ang kanilang produkto at hindi pa nagtagal ay nagkaroon na sila ng 500 na mga branches sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Dahil sa kanilang pagsisikap at pagtitiyaga ay nakapag pundar na rin sila ng walong truck para sa kanilang negosyo, bahay at lupa at magagarang mga sasakyan.

At sa kasalukuyan ay halos isang milyong piso na ang kinikita ng mag-asawang Henry at Jen kada buwan sa kanilang negosyo.

“Yung mga hardships ko sa buhay noon, talagang nagamit ko siya ngayon. Na-apply ko sa buhay ko ngayon,” Pahayag ni Henry.

Ito ang patunay na kahit gaano pa kahirap ang buhay natin sa ngayon, darating din ang tamang panahon upang tayo ay maging matagumpay. Kailangan lamang nating kumilos at humingi ng paggabay sa Diyos.