14 years old na babae, nakitaan ng mga milktea pearls na hindi natunaw sa loob ng tiyan

Sa panahon ngayon ay sikat na paboritong inuman ng mga bata at matatanda ay ang Milktea. Bukod sa mayroon itong iba’t-ibang flavor ay maaari ka din pumili ng iyong ad-ons tulad ng egg pudding, nata de coco, grass jelly, pearl at iba pa.

Dahil sa pagiging popular ng milktea ay maraming nagnegosyo ng inumin na ito kaliwa’t kanan ang pagbubukas ng mga milk tea shop makikita mo rin ang mahahabang pila ng taong umoorder para lamang matikman ang kanilang paboritong inumin ngayon.

Ngunit nagbabala ang mga eksperto ukol sa labis at madalas na pag-inom ng milk tea dahil masama daw ito sa kalusugan. Katulad daw ito ng soft drinks na mataas ang sugar content nito.

Ayon pa nga sa isang psychologist, ang iba raw ay nakikiuso lamang dahil sikat ang inumin.

Samantala, isang 14 years old na babae na mula sa Zhejiang, China ang nakitaan umano ng milk tea pearls sa loob ng tiyan nito.

Ayon sa ulat ng RachFeed, agad na isinugod sa ospital ang babae matapos umano siyang makaramdam ng kakaibang sakit sa tiyan.

Pagdating sa ospital ay agad tinanong ang batang babae kung ano ang kanyang kinain na maaaring naging sanhi ng pananakit ng tiyan nito. Agad naman sinabi nito na milk tea lamang ang kanyang iniinom sa loob ng limang araw.

Agad nagsagawa ng X-ray ang mga doktor sa batang babae at dito nila nakita ang hindi natutunaw na pearls sa loob ng tiyan ng babae. Aabot raw sa daan ang pearls sa digestive tract nito.

Sinabi pa ng doktor na ang milk tea pearls ay gawa sa “starchy tapioca” kung saan mahirap itong tunawin ng ating katawan.

Binigyan naman ng laxative ng mga doktor ang naturang batang babae upang bumuti ang pakiramdam nito. Subalit nagbigay ng payo ang mga doktor na limitahan o bawasan ang pag-inom ng milk tea.