6 Tips para magkaroon ng maganda at makinis na balat na magagawa ninyo sa inyong bahay na hindi na kailangan gumastos pa

Maging lalaki man o babae ay nagnanais na magkaroon ng maganda at makinis na balat.

Ang iniiwasan ng marami ay ang magkaroon ng tigyawat at magaspang na balat, kaya naman iba’t-iba ang sinusubukan na pamahid o iniinom na gamot para maging kuminis.

Ngunit hindi alam ng marami na maraming paraan para gumanda ang balat at hindi na kailangan pang gumastos ng malaki. Narito ang ilang natural na paraan para magkaroon ng magandang balat.

1.) Tubig
Ang tubig ang pinaka importante sa lahat para sa balat lalo nasa katawan ng tao nakatulong din ito magkaroon ng maganda at makinis na balat. Uminom ng 8 hanggang 10 baso tubig araw-araw. Mainam na sabayan ng pagkain ng mga sariwang prutas.

2.) Lemon Juice
Nakakatulong ang balat ng Lemon Juice para pumuti at maging makinis ang ating balat. Ang juice naman nito ay mayaman sa cleansing enzymes na nakakatanggal ng dead skin cells. Ipahid sa mukha ang katas nito at hugasan ng malinis na tubig paglipas ng 10 minuto.

3.) Kamatis
Ang katas ng sariwang kamatis ay pinakamabisang skin toner. Nakakatulong din ito para mawala ang tigyawat at sugat sa mukha.

Durugin o iblender ang kamatis bago ipahid sa iyong mukha at patagalin ng 10 minuto bago hugasan. Gawin ito araw-araw para makuha ng nais na resulta.

4.) Pulot o Honey
Ang Pulot o Honey ay isang natural na sangkap na maaari mong gamitin upang makamit ang iyong pinapangarap na malambot at makinis na balat.

Ipahid lamang ang pulot sa iyong mukha hanggang leeg ng at ibabad ito ng 10 minuto bago hugasan ng malinis na tubig.

5.) Tea tree Oil
Mayroong itong antibiyotikong katangian na tumutulong labanan ang acne na dulot bakterya. Mabuti rin ito para mabawasan ang peklat at mantsa.

May ibang tao na mayroong allergy sa oil, kaya inirerekomenda na subukan mo munang konsultahin sa doktor, bago mo ipahid sa iyong mukha.

6. Kalamansi
Ang katas o juice ng kalamansi ay isa sa pinakakilalang natural na pampaputi ng balat at ito ay gamit ng maraming Filipino.

Ang Vitamin C na nagmumula sa katas nito ay may natural na epekto na pampaputi at tumutulong din sa pagpapasigla ng balat.

Taglay din ng katas nito ang antioxidant na tumutulong din sa pagbibigay ng proteksyon mula sa nakakasirang free radicals.