Lalaki sa Pangasinan, isasailalim sa 0perasyon matapos malunok ang pustiso dahil sa kalasingan

Usap-usapan ngayon sa social media ang isang lalaki na mula sa San Jacinto Pangasinan, ito ay matapos dalhin ang naturang lalaki sa 0spital dahil sa aksidenteng pagkalunok nito nang kanyang pustis0.

Ayon mismo sa biktima na kinilalang si Benjie Villamor, nagising daw siya na sumasakit na lamang ang lalamunan at kaya naman siya ay takot na takot dahil ngayon lang daw niya ito nararanasan ang ganitong pananakit.

Kwento pa ni Benjie, lasing daw siya ng mangyari ang insidente pagkauwi daw niya ay natulog siya at nakalimutan nang tanggalin ang kanyang pustis0.

Dagdag pa ni Benjie sinubukan pa raw niya ito sungkitin sa kanyang lalamunan subalit hindi na ito kaya pang maalis.

Bahagya raw nawala ang kir0t sa kanyang lalamunan kapag siya ay lumulunok, hinala ni Benjie ay bumaba na ang puwesto ng pustiso sa loob ng kanyang katawan.

Sa panayam kay Dr. Rheuel Bobis, Spokesperson, CHD-Ilocos, delikado na malunok ang isang pustiso at mapunta ito sa bituka.

Batay “Kapag nakalunok kasi ng pustis0 mayroon dalawang puwede (itong) puntahan (sa katawan). Unang-una puwede (itong) dumiretso sa tiyan.

So kapag dumiretso sa tiyan, medyo delikado kasi alam naman na ang pustis0 ay may matutulis na parte.

So maaaring mag sugat o maaari niyang mabutas ang digestive tract,” paliwanag ni Dr. Bobis.a panayam kay Dr. Rheuel Bobis, Spokesperson, CHD-Ilocos, delikado na malunok ang isang pustiso at mapunta ito sa bit√ľka.

Si Benjie ay takdang 0perahan sa pagamutan ng Dagupan City upang tuluyan ng maalis ang pustiso na nalunok nito.

Ang trabaho ni Benjie ay ang pag extra-extra lamang sa construction kaya naman problema niya ngayon ang gastusin sa 0perasyon at mga gamot na kakailanganin nito hanggang sa kanyang paggaling.

Paalala ng mga doktor ay ugaliin at siguraduhin na tanggalin ang pustis0 bago matulog upang maiwasan ang aksidenteng pagkakalunok dito.