Mag-asawang nanirahan sa kulungan ng baboy, magkasamang nagsumikap at nagtulungan hanggang sa magkaroon ng kanilang sariling bahay

Payo lagi sa atin ng mga matatanda pagdating sa ating buhay pag-ibig, “Huwag mag-aasawa ng hindi Handa” ganito ang palagi natin naririnig marahil masakit pakinggan subalit ito ay totoo dahil sa hirap ng buhay mahal ang mga bilihin ay tiyak na mahihirapan kung ikaw ay magpapamilya ng hindi handa.

Halimbawa na lang diyan ang kwento na ibinahagi ng netizen na si Raymond Soledad:

Ayon kay Raymond, nag-asawa siya ng hindi handa at walang ipon, kaya napilitan siya ng kanyang misis na tumira sa maliit na barong-barong na may 6sqm lang ang sukat na ayon sa kanya ay dati raw kulungan ng baboy.

Kanila raw tiniis ito para sila ay may matuluyan nang sa gayon ay hindi na nila kailangan pang magrenta kaya nilinis nila ang kulungan ng baboy upang maging pansamantalang tahanan habang sila ay nag-iipon.

“Share ko lang po kahit nakakahiya. Nagsimula kami ng misis ko dito sa maliit na barong-barong (6 sqm.) kulungan po ito ng baboy nilinis lang namin para may matirahan kami ng walang babayaran na renta dahil wala po kaming pera or ipon nun. “ panimula ni Raymond sa kanyang post.

Halos isang taon silang naninirahan sa kanilang munting tahanan hanggang makapanganak ang kanyang misis. Dito naranasan pa nilang matangay ng bagyo ang kanilang bubong na barong-barong.

“Dito kami tumira ng 1 taon hanggang manganak yung misis ko. Isang gabi, madaling araw nun.. umulan ng malakas nasira yung bubong, bumagsak yung insulation na nilagay ko sa yero kasama ang tubig ulan at mga maliit na daga. Naglagay lang ako ng tolda sa bubong para di mabasa yung baby namin. “ baliktanaw ni Raymond

Habang sa pagtagal daw ng kanilang pagsasamang mag-asawa dito narealize ni Raymond na napakahirap mag-asawa kung ikaw ay hindi handa at walang ipon.

Subalit ang lahat daw ng ito ay nagsilbing aral sa kanya at inspirasyon para tulungan ang sarili na umangat, kaya naman silang mag-asawa ay nagsumikap para makaipon.

At sa loob nga ng limang taon ay proud na proud ang mag-asawa na ibinahagi sa mga netizen ang simula ng katuparan ng kanilang pangarap.

“Nakakalungkot ang hirap pala mag pamilya ng di kayo handa. Kaya simula noon nangarap kami ng asawa ko na magkaroon ng mas maayos sa matutuluyan para sa anak namin. “ aniya

“Sa loob ng 5 taon, namin pagsasama, nagtrabaho kami mabuti nag ipon at ito na nga, nagkaroon nadin kami ng sariling bahay simple at maliit lang pero sobrang thank you Lord dahil tinulungan nya kaming pamilya. “ dagdag pa ni Raymond.

Source: Raymond Soledad