19-yo na lalaki nag-propose sa 76-yo na lola na kanyang kasintahan, mga netizen hindi makapaniwala

Ang tunay na pagmamahal ay hindi basehan sa edad, estado ng buhay, kasarian o anu pa man basta kapag tinamaan ka ng pag-ibig ay walang makapipigil sayo. Marami rin ang mapanghusga lalo na kapag hindi nila gusto ang kanilang nakikita.

Usap-usapan ngayon sa social media platform na TikTok ang isang video kung saan may nag wedding proposal na isang binatilyo na 19 taong gulang sa kasintahan nito umano na 76 taong gulang na Lola.

Nakilala ang lalaki na si Guisepoe D’Anna, Ipinagmamalaki niyang ibinahagi ang isang TikTok video na kanyang ginawang paghahanda para hingin ang kamay ng kasintahang napakalaki ng agwat sa kanyang edad.

Sa TikTok video na ibinahagi ng naturang binata, mapapanood dito kung paano siya nag propose ng kasal sa kasintahang matanda.

Maging ang kanyang singsing na inaalay bilang regalo ay napakagarbo ito ay kanya rin ipinakita sa kanyang video.

Sa ngayon ay mayroon ng milyong-milyon ang nakapanood ng naturang TikTok video na ito.

May dala pang mga lobo na hugis puso at lumuhod ang binatilyo sa harap ng kanyang kasintahan upang hingin ang kamay nito.

Dahil sa napakalaking agwat ng edad ng magkasintahan ay naging tampulan ito sa TikTok, may mga namangha, mayroong hindi makapaniwala at hindi sang-ayon sa kanilang relasyon.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“I think you guys took it a little too serious when you all said you like older girls!” *

“I say it’s better to keep these types of relationships private and not public,”

“that could be her great grandchild”

Sa ngayon ay masaya ang binata kahit pa ano raw ang sabihin ng iba, Patuloy pa rin siyang nagbabahagi ng video sa TikTok.