Isang Anak na magbobote at lumaki sa tabi ng riles ng tren nakapagtapos ng Kolehiyo, pinasalamatan ang tatay sa lahat ng sakripisyo

Isang kwento na naman sa social media ang nagbigay ng inspirasyon sa mga netizen ito tungkol sa isang tagumpay na tiyak ay tatatak sa puso’t isipan ng lahat ng Pilipino.

Narito at tunghayan ang istorya ng isang lalaking naabot ang pangarap at hindi nagpatalo sa matinding hirap ng buhay.

Siya si TJ Tenedero, isang binata na nagtapos sa University of the Philippines siya ay anak ng isang magbobote at lumaki sa tabi ng riles ng tren o squatters area.

Kahit lumaki sa mahirap nilang pamumuhay, sa kabutihang palad ay mayroon siyang tatay na pursigidong magsakripisyo para lang masuportahan ang pangangailangan nilang mag-anak.

Kaya naman nitong Father’s day ay proud na proud siyang binati ang kanyang ama sa pamamagitan ng isang post sa social media.

Ayon kay TJ, dalawang taong gulang pa lang daw siya ay pamilya na siya sa tunog ng paparating na tren.

“Alarm clock ko ang tren sa madaling araw pag may pasok sa school. Sa gabi naman, pag nakadaan na ang tren tulugan na. Naranasan ko na umuuga ang kama ko noon pag dumadaan ang tren,” saad nya ayon sa isang ulat.

Dagdag pa niya, nalulubog daw sa baha ang kanilang tahanan sa tuwing may bagyo o malakas na ulan.

Kanya rin ibinahagi ang estado ng lugar na kanyang kinalakihan na hindi naging hadlang sa kanya para mangarap bagkus naging dahilan pa para sya magsumikap.

“Pinakamahirap dito is yung lumaki ka sa area na mahirap na nga ang mga tao may bisyo pa sila. Halos may cycle kasi ang buhay ng mga tao dito sa amin — kung hindi titigil sa pag-aaral, mag-aasawa na sa maagang edad,

“Nakukuntento na yung iba sa pag-aasawa ng maaga o sa hindi pagtatapos kahit kaya naman nilang mag-push pa.” pagpapatuloy ni TJ.

Kwento ni TJ, mula pa noong 1995 ay nag bobote-dyaryo na ang kanyang butihing ama para may ipang tustos sa kanilang pamilya. Dahil daw dito naka-survive ang kanilang pamilya sa hirap ng buhay.

Gayunpaman hindi raw ikinakahiya ngbinata ang ikinabubuhay nilang mag-anak noon dahil dito umano siya nagsimulang bumuo ng kanyang pangarap.

“Laki ako sa hirap. Magbobote lang ang tatay ko. Sa tabing riles lang kami nakatira–sa squatter’s area. At hindi ko ever ikinakahiya ang lahat ng ito dahil dito nagsimula ang pagbuo ko ng aking mga pangarap. Lalo na ang makagraduate sa UP.” aniya.

“1995 nang magsimula si Papa na mangalakal o mag bote-dyaryo sa tabing riles. For twenty-four years, ganito ang ikinabubuhay namin. Dito ako napag-aral ni Papa at Mama kung saan ang basura ng iba, ay pera para amin.” dagdag pa ng lalaki.

“Dahil magbobote si Papa, madalas din siya makabili ng mga libro o babasahin. Doon ako mahilig magbasa at mag-explore ng mga bagay na pwede ko matutunan.

“Galing kasi siya sa factory ng knitting noon sa Calamba, Laguna. Pero he decided na mag bote dyaryo na lang kasi gusto niya noong mas kumita. Mahina rin kasi ang sweldo sa pabrika. Kulang na kulang ang sweldo niya.

“Si Papa naman, dahil sa riles siya namimili, palaging alerto lagi. Delikado kasi. Makailang beses nang nasagasaan ng tren yung trolley na gamit niya. Ilang beses na rin siya muntik masagasaan ng tren,” dagdag pa ni TJ.

Katulad ng ibang anak may mga pagkakataon din daw sumasama ang loob niya sa kanyang tatay subalit kinalaunan ay naiintindihan daw niya ang dahilan nito.

“Noon, may mga pagkakataon na sumasama ang loob ko kay Papa, pero nang tumagal naunawaan ko rin lahat. Naunawaan ko na parte to ng pagiging mahirap namin, kwento ng binata.

“Sa una, nasaktan ako ng sobra noon dahil lahat ng plano ko simula 2005 parang bula lang na nawala. Pinaghirapan ko rin naman mag-aral kahit papaano. Nahiya rin ako kay Papa at Mama dahil simula pa lang nang sabihin kong magte-take ako ng UPCAT, sinuportahan na nila ako,”

Sa mga pagkakataon na walang-wala sya ay tila nagkakaroon ng himala at kasagutan sa kanyang mga problema.

“Dumating sa life ko na walang-wala na talaga. Maraming beses na walang-wala talaga akong pera pangkain, walang pang handouts, walang pambayad ng dorm.

“Pero I was always blessed kasi palaging biglaan may blessings na nadating or may nanlilibre na friend na UP student or alumni. Ganito kasi sa UP talaga, nagtutulungan.”

Ngunit dahil sa hirap ng ilang aralin ay kinailangan raw nyang umulit para maipasa ang mga ito, at dulot na rin ng karagdagang pahirap sa kanya dala ng mga gastusin, na-depress si TJ habang naga-aral sa premyadong unibersidad.

“Nawalan na ko ng pag-asa and ultimo, nagka bipolar disorder na ako and I was depressed,” he said. “Pero, mabait si God eh. He was the one who helped me in those dark times.

“Paglipas ng mga taon at habang tumatagal ako sa university, parang naiinip na rin si Papa. Madalas siyang nagtanong kung kailan ako ga-graduate,

“Feeling ko talaga nawalan na ng dala o bigat after all this. Ako lang kasi yung pag-asa nila eh,” ika nya.

Samantala, Nagtapos si TJ sa UPLB o University of the Philippines Los Baños sa kursong kanyang kinuha na Agricultural and Applied Economics.

Narito naman ang kanyang payo para sa mga kabataan na tulad niya ay nangangarap :

“I also urge the youth to read a lot of books dahil sa pagbabasa ako nagsimula na buksan ang isip ko na may posibilidad na bumuo ng pangarap at makita ang kalakihan ng mundo.

“Buksan din sana natin ang isip natin sa mga kaalaman. At lalong-lalo na, wag tayo makuntento na mahirap lang tayo, hanggang dito na lang tayo. Dahil hindi.” pagtatapos ng binata.

THOMAS JOHN CARAAN TENEDERO
2011-65162
Bachelor of Science in Agricultural and Applied Economics
Major in Agricultural Policy and Development
Cum. Cumawala sa hirap ng acads at sa hamon ng buhay.