Isang Mister itinali sa motorsiklo ng kanyang Misis dahil sa sobrang kalasingan

Hindi na bago pagdating sa mga lalaki ang pagkahilig na uminom ng alªk, lalo na kapag ito ay galing sa trabaho.

Ito ang kanilang ginagawang paraan para mapawi ang kanilang pagod. Kaya ang iba bago umuwi sa kanilang mga tahanan ay dumadaan muna o nagkikita ng kanilang mga barkada para uminom ng alak.

Subalit, dapat ay lagi niyong tandaan na kapag kayo ay mag-iinom ay siguraduhin niyo na kayo ay makakauwi ng ligtas sa inyong mahal sa buhay.

Dahil kung minsan dahil sa sobrang kalasingan mayroong mga mister na sinusundo pa ng kanyang misis dahil hindi na kayang umuwi dahil sa sobrang kalasingan.

Halimbawa na diyan ang isang kwento na ito sa social media na usap-usapan ng mga netizen na maihahalintulad natin sa ating pinag-uusapan ngayon.

Makikita sa mga larawan ang ginawa ng isang Misis sa kanya Mister , Itinali ng misis ang kanyang mister sa likod ng motorsiklo na parang isang bagahe dahil sa sobrang kalasingan nito.

Subalit, nagawa daw niya ito sa kanyang Mister dahil nakita niya na lasing na lasing ito at hindi na kaya pang makauwi. Makikita rin sa larawan na ang pwesto ng pagkakatali sa Mister ay pahiga na para bang natutulog lamang ito.

Ginawa raw ito ng misis na mula sa bansang Vietnam, ito lang daw ang naisip niyang paraan para maiuwi ang kanyang Mister na lasing at hindi na kayang umangkas.

Dahil sa pagiging viral ng mga larawan na ito ay maraming kababaihan ang nagkomento na maganda nga raw ang ideya na ito at pwedeng nilang gayahin kapag ang kanilang mister ay nalasing.

May mga Mister din na nagkomento, ang ginawa daw na ito ng misis ay delikado para sa kanilang mga Lalaki, maaari daw kasing mahulog sila sa motorsiklo at mabali ang mga buto.

Para naman sa lahat, nawa’y maging paalala ito para sa mga mahilig uminom ng alak, Uminom lamang ng sapat at tama para makauwi ng maayos sa iyong pamilya. May kasabihan nga tayo na “Drink Moderately”.