Isang mangingisda labis ang pasasalamat matapos makahuli ng higanteng Lapu-Lapu na may 123 Kilos

Maraming mangingisda ang nagsisikap ng husto at nagtatrabaho maghapon para makahuli ng mga isda, kaya naman para sa kanila ay talagang maituturing na biyaya kapag sila ay nakahuli ng marami sa maghapon.

Tunay na ang ating bansa ay isa sa mayroong pinakamayamang dagat kaya ang marami sa atin ang ikinabubuhay ay ang pangingisda.

Kaya nga maging ang ating mga katabing bansa ay nais sakupin ang ating teritoryong dagat dahil alam nila na makikinabang sila sa yaman na taglay ng ating karagatan.

Samantala, Isang mangingisda ang labis ang pasasalamat at abot langit ang tuwa matapos niyang makahuli ng hindi pangkaraniwang isdang Lapu-Lapu, Nakilala ang mangingisda na si Peter Beldeniza na mula sa Brookes Point, Palawan siya ang nakahuli ng higanteng lapu-lapu.

Kwento ni Peter :
“Mag-isa lang ako na nag laot, alas dos ng May 2. Pagdating ng gabi nakahuli ang ng dugso. Ang tagal walang kumakagat sa pain ng kawil ko, siguro walang isda kasi nabulabog niya (Lapu-Lapu)”.

Pagsapit raw ng alas-diyes ng gabi ay naramdaman ni Peter na may kumakain na sa kanyang kawil:

“Tulingan ang pain ko, mga kalahating kilo. Pag-arya ko ng kawil, itinali ko sa palatik, tapos umikot na ang nylon.”

At hindi akalain ni Peter na ang higanteng isda na pala ang kumagat sa kanyang kawil kaya naman agad niya itong tinalian sa panga at hinila na lamang papuntang pangpang. Marahil sa bigay ay hind na kaya ni Peter na maiahon sa bangka.

Pagdating ni Peter sa pangpang ay nagpatulong siya sa ilang mga kasamahan upang mabuhat ang higanteng isda. Ang lapu-lapu na nahuli ni Peter ay tumitimbang ng 123 kilos at naibenta ito ng labing-siyam na libo.

Samantala, hindi daw ito ang unang pagkakataon na nakahuli si Peter ng malaking isda, noong mga nakalipas na taon nakadali din siya ng isda na tumitimbang ng 40 kilos at naibenta naman niya ito ng apat na libong piso.

“Kapag may ganitong biyaya po, malaki ang pasasalamat namin sa Panginoon, Doble ang blessing namin kasi katatapos lang ng anak naming mag-training sa Philippines Coast Guard, kaya medyo nagkautang din kami. Kaya ngayon na may panibagong blessing, magbabawas na kami ng mga utang namin” – pahayag ni Peter.