Askal na namataan na nakasandal ang ulo sa isang upuan habang naghihintay ng taong magbibigay sa kanya ng pagkain, ikinaantig ng madla

Naantig ang maraming netizen sa kalagayan ng isang aso na ito na namataan na nakatira sa isang bangketa. Makikita sa mukha at hitsura ng aso na ito ay gutom na gutom na kaya naman wala na itong nagawa kundi ang isandal ang kanyang ulo sa isang upuan at naghihintay na mayroong makapansin sa kanya at magbigay ng makakain.

Tila nag-aabang na lamang ang aso sa mga taong kumakain sa isang kainan o restawran na siya ay maabutan ng pagkain. Siguradong napakahirap para sa naturang hayop ang makaramdam ng labis na gutom at hindi niya ito masabi sa mga taong naroroon.

Mismo ang netizen na siya nagbahagi ng post na ito ay hindi mapigilang magalit sa mga taong naroroon na nakakakita sa kawawang aso.

Batid naman nila sa hitsura at kilos ng aso na talagang gutom na gutom na ito ngunit wala ni isa man lamang sa kanila ang nagnais na tulungan ang aso.

May mga netizen naman ang nagkomento na aanhin mo pa ang iyong “5 senses” kung ganito kasimpleng mga bagay ay hindi mo malaman kung ano ang dapat at wasto mong gawin.

At para naman sa ilang netizen ay malaking tulong din kung magkakaroon daw tayo ng kaunting pagkain na dala-dala sa ating mga bag sa tuwing tayo ay umaalis o lumalabas ng bahay nang sa gayon ay maaari natin silang bigyan ng makakain kung makakakita tayo ng mga hayop sa daan na hindi pa kumakain.

Masakit isipin na hindi lamang sa lugar na iyon nangyayari ang mga ganitong sitwasyon dahil maging sa ibang bahagi pa ng mundo ay marami pa ring mga hayop ang nakakaranas ng matinding kalupitan at pang-aabuso mula sa ibang tao.

Subalit kung mas magiging responsable ang marami sa atin at mas magiging disiplinado tayo, tiyak na kahit papaano ay mababawasan ang bilang ng mga kawawang hayop na ito na madalas nating makita sa lansangan.