Kilalanin ang tinaguriang “World Dirtiest Man” ang taong 67 years ng hindi naliligo at kumakain ng bulok na karne upang mabuhay

Dahil tayo ay nasa buwan na naman ng Hunyo ito ang panahon kung saan marami sa atin ang natatakot maligo sa umaga dahil sa kakaibang ginaw na dala nito sa ating katawan.

Karaniwan kasi ang malamig na panahon ay nasa buwan ng Enero hanggang Pebrero o kaya naman ay Hunyo hanggang Hulyo dito sa ating bansa.

Kaya naman ang marami sa atin ay bago pumasok ng paaralan o trabaho man ay isang malaking pagsubok sa kanila ang maligo sa malamig na tubig sa umaga.

Samantala, kung ang iba ay tinitiis ang lamig ng tubig makaligo lamang. May mga tao naman na hindi kaya ang lamig kaya mas piniling hindi maligo kada umaga.

Pero hanggang kailan mo ba kaya na hindi maligo? Isa araw ? Isang Linggo o Isang buwan? Subalit napakalagkit na siguro ng iyong katawan at pakiramdam kapag ganito.

Ngunit para sa kaalaman ng marami, may isang tao sa mundo na nakaya ang hindi maligo sa loob ng 67 na taon o halos 7 dekada.

Siya ay si Amou Haji may edad na 87 taong gulang at hindi siya kailanman naligo sa loob ng 67 na taon.

Nakatira siya sa Dejgah isang village sa Kermanshah province sa bansang Iran. Kapag nakita mo siya ay kakaiba ang kanyang itsura at parang ang dating niya ay katulad ng mga taong nababasa natin sa bibliya tulad nila Moses.

Napag-alaman din namin na laging puno ito ng alikabok sa katawan at dumi. Hindi daw siya naliligo dahil takot ito sa tubig at may paniniwala siya na kapag siya ay naliligo magkakasakit daw siya.

Isa pa sa nakakagulat na nakasanayan ni Amou Haji bukod sa hindi pagligo ay ang pagkain nito ng mga nabubulok na Karne ng patay na hayop tulad na lamang ng porcupine. Siya rin ay naninigarilyo ngunit hindi tabako ang laman kundi mga dumi ng hay0p.

Ayon pa sa ulat ng Tehran Times, isa daw sa mga nagtulak kay Amou Haji na tumira sa disyerto ay simula ng siya ay mabigo sa kanyang pag-ibig noong kabataan niya.

Ang ginagawa daw niya ay nagsusuot siya ng war helmet hindi para makipag-away kundi para uminit ang pakiramdam at katawan sa panahon ng taglamig.

Hindi rin daw permanente ang kanyang tinutulugan kung minsan ay naninirahan siya sa mga nitso o kaya naman ay mga imburnal kaya naman siya ay binansagang “The World’s Dirtiest Man”.

Sa loob daw ng isang araw ay umiinom siya ng halos 5 litro ng tubig gamit ang malaking kalawanging lata at kakaiba din ang pamamaraan niya sa pagputol ng buhok dahil kanya itong sinusunog.

Tunay nga na kakaiba ang naging buhay ni Amou Haji ngunit nakakabiilib naman na sa kabila ng kanyang pamamaraan sa buhay ay nanatili siyang buhay at malakas ang pangangatawan.