Lalaki na nagpipigil sa pagbahing, nagkaroon ng kakaibang kondisyon sa lalamunan na umabot hanggang sa rib cage

Lahat naman tayo ay nararanasan mabahing ang ilong lalo na kapag tayo ay nakaka-amoy na nakaka asiwa sa ating ilong o kaya naman tayo ay sinisipon.

Ang mabahing ay normal sa ating katawan may mga tao lang na sa tuwing may mababahing na tao lalo na sa kung mataong lugar ay pinagtatawanan lalo na kapag ang lugar na ito ay tahimik tulad ng simbahan, library at sinehan.

Kaya naman ang iba ay pinipigilan na lamang ang pag-bahing para hindi makaagaw ng atensyon sa iba at hindi mapahiya.

Ngunit hindi alam ng marami na ang pagpigil sa sariling bahing ay maaari tayong magkaroon ng karamdaman sa ating kalusugan, tulad na lang ng isang lalaki na nagkaroon ng kakaibang kondisyon dahil sa kanyang pagpigil sa kanyang pagbahing.

Inilahad ng doktor mula sa Emergency Department ng Britain`s Leicester Royal Infirmary ang nangyari sa isang lalaki na may edad na 34 taong gulang matapos nilang pag-aralan ang kalagayan nito.

Ayon sa lalaki, sinubukan daw niyang pigilin ang pagbahing ng sapilitan ginawa daw niya ay pinisil ang ilong at tinakpan ang bibig. Dahil dito ang malakas na pwersa na dapat ay palabas na hangin ay naging paloob.

Pagkatapos ng pangyayari na iyon ay naramdaman ng 34 taong gulang na parang may mali na sa kanyang pangangatawan.

Hindi na daw siya makalunok ng maayos dahil sa pananakit ng kanyang lalamunan sa tuwing ginagawa niya ito.

Dagdag pa din na nagkaroon daw ng pagbabago ang kanyang boses at namamaga ang kanyang leeg. Higit sa lahat kapag daw ginagalaw ang kanyang leeg ay nakakarinig daw siya ng “popping and crackling sensation” na umabot daw hanggang sa kanyang rib cage o tadyang.

At nang siya ay matingnan ng doktor upang suriin ay napag-alaman na nagkaroon pala ng mga maliliit na “streaks of air” sa kanyang mga “soft tissue” ng leeg at “chest compartment between the lungs” at ang ganitong kondisyon ay tinatawag na “subcutaneous emphysema and pneumomediastinum”.

Sa madaling salita ang nangyari sa Lalaki na ito ay literal na sumabog o pumutok ang kanyang lalamunan sanhi sa pagpigil sa hangin mula sa pagbahing.

Agad naman na confine sa ospital ang lalaki ng ilang araw upang siya ay magamot, binigyan siya ng mga antibiotic upang maiwasan ang pag ka impeksyon at pansamantala siyang pinakain gamit ang tube.

Samantala, Makalipas lamang ang dalawang buwan ay nakabalik nanaman sa normal ang buhay ng lalaki at wala ng anumang sakit pang iniinda.

Payo naman ng mga doctor at eksperto na “Halting sneeze via blocking nostrils and mouth is dangerous maneuver and should be avoided”.