Anak, inialay ang pagtatapos sa kolehiyo sa kanyang Ina na may problema sa pag-iisip

Napakasarap sa pakiramdam tuwing inihahandog ng mga anak ang bunga ng kanilang pagsisikap at pagtitiyaga sa pag-aaral para sa kanilang mga magulang.

Dahil wala nang ibang hiling ang ating mga magulang kundi ang makita nila ang kanilang mga anak na makapagtapos sa pag-aaral at umunlad ang pamumuhay.

Samantala, naging emosyonal ang maraming netizen na nakapanood ng isang video na nag viral sa social media, ito ay ang tungkol sa isang anak na inihandog ang kanyang tagumpay at pagtatapos sa pag-aaral sa kanyang pinakamamahal na ina.

Ibinahagi ni Ramon Christian Sistoso ang kanilang muling pagtatapo ng kanyang ina, bitbit ang mga medalya at ang kanyang graduation photo na patunay na pag papakita niya ng pasasalamat , pagmamahal at pagpapahalaga sa inang may pinagdadaanang sakit sa pag-iisip.

Si Ramon ay nagtapos sa kursong Bachelor of Science in Criminology sa Sibugay Technical Institute Inc. ito ay ilan taon niyang pinagsisikapang maabot alang-alang sa kanyang Ina na si Isabel.

“I salute to the people who give me an inspiration and gratification. This is the happiest thing that happened in my life despite the hardship and sacrifices that I encountered. I would like to express my gratitude to my family for making me inspired to pursue my goal in life,” aniya.

Mapapansin sa video ang labis na tuwa at saya sa mukha ng isang anak na makitang muli ang kanyang Ina, Suot-suot nito ang uniporme bilang pulis at nasasabik na ihandog ang kanyang pinaghirapang diploma sa kanyang mahal na mahal na Ina.

Makikita rin kung paano tila nagtatago at parang nahihiya ang Mama niya sa likod ng isang malaking puno.

Isinabit ni Ramon ang medalya at ipinakita sa kanyang ina ang graduation photo, mapapansin na tila nagtataka ang kanyang ina sa nangyayari subalit isang matamis na ngiti ang binitawan nito marahil naramdaman niya ang tagumpay ng kanyang anak.

“Noong panahon na yun ay nag decision ako na i surprised ko ang mother ko kasi minsan lang kami nagkikita at hindi niya alam na ga-graduate na ako kaya sinuotan ko sya ng medal at dinala ko na rin yung frame ko para maniwala siya, kaya yun sobrang natuwa sya sa nakita niya,”

Aminadong nahihirapan siya dahil kailangan niyang iwanan ang ina para sa pag-aaral. At para matustusan ang iba pang mga gastusin at pagkain niya ay pumasok siya bilang waiter at umeekstra din sa isang gas station bilang gasoline boy.

Aminadong nahihirapan siya Ang pinagdadaanan ng ina ang isa sa mga ginawa niyang motibasyon sa pag-abot ng pangarap dahil lahat ng pagsisikap at ginagawa niyang paglaban sa mga hamon ay inilalaan at iniaalay niya sa ina at hindi siya mapapagod mahalin at alagaan ito kung paano siya inaalagaan nito noon dahil kailangan niyang iwanan ang ina para sa pag-aaral.

At para naman matustusan ang iba pang mga gastusin at pagkain niya ay pumasok siya bilang waiter at umeekstra din sa isang gas station bilang gasoline boy.

“Ipinagdarasal ko palagi ang kagalingan niya. Hiniling ko na sana maka-akyat ang nanay ko sa stage kasi lahat naman ng pagsisikap ko sa pag-aaral ay para sa kanya, sa pamilya ko at sa lahat ng sumusuporta sa akin,”

“Kung ano yung binigay sa akin na pagmamahal bilang anak, yun din ang pagmamahal na ibalik ko sa kanya.”

Ayon kay Ramon kahit pa ang kanyang ina ay wala sa katinuan at saktong pag-iisip hindi niya ito kailanman ikinahiya, bagkus ay pinupuno niya ito ng pagmamahal at atensyon na kailangan ng kanyang ina.

“Di ko ikinakahiya kung anong sitwasyon niya ngayon. Wala tayo dito sa mundo kung wala yung mga Ina natin,”

Pagpapatuloy ni Ramon, ang pinagdaraanan daw ng kaynang Ina ay nagsimula ng malaman nito na may iba na pa lang asawa at mga anak ang tatay ni Ramon ng siya ay walong taong gulang pa lamang.

Dahil dito hindi na nakayanan ng nanay ni Ramon na si Aling Isabel ang sobrang lungkot at sakit sa pag-iwan noon ng ama niya.

Lumapit na rin sila sa Doktor subalit dahil sa kawalan ng pinansyal na pangangailangan ay hindi na ipagpapatuloy pa ang kailangang gamutan ng ina.

Marami ang nahabag sa sitwasyon ng nanay Ramon at kagaya niya nagpakita ang lahat ng suporta at pagmamahal na sana ay gumaling na ito sa sakit. Pinupuri rin si Ramon ng mga netizens na humanga dahil sa kanyang patuloy na pag-aalaga at pagprotekta sa ina.

“Maraming salamat sa lahat ng tao, na na inspired, alam kong maraming kabataan ang gusto makapagtapos sa pag aaral kaya pag bitihin niyo mabuti.”

Source: Ramon Christian Sistoso