VIRAL: Isang Bulag, nagtapos sa Kolehiyo bilang Summa Cum Laude sa Pangasinan!

Kung may pangarap  maraming dahilan din para mabuhay at magsikap kahit anuman estado ng ating buhay. Sa kasabihan nga ng matatanda “Pinanganak kang mahirap, huwag mong hayaan m4m4tay kang mahirap”.

Sa buhay kung wala kang diskarte na gagawin ay walang mangyayari sayo. Mahirap din kung aasa ka sa ibang tao o maghihintay na lang sa ibibigay ng iba. Maraming tao ang nangangarap at makamit ang kanilang pangarap gaya na lamang ng isang storya na ito na ating tutunghayan.

May mga tao tayong naririnig na nagsasabi na kapag raw may kapansanan ka may mga limitasyon ang mga kaya mong gawin, Subalit pinatunayan ni Minnie Aveline Juan na sa kabila ng kanyang sitwasyon at kakulangan ay kaya niyang gawin ang nagagawa ng karamihan at mas higit pa.

Si Minnie Aveline Juan ay nagtapos sa kolehiyo bilang Summa Cum Laude kahit siya ay walang paningin.

Kung iisipin bilang estudyante ay napakahirap mag-aral dahil kinakailangan mong makita ang mga itinuturo ng iyong guro subalit tila hindi ito naging hadlang kay Minnie dahil hindi lang siya basta nakapagtapos sa kolehiyo dahil siya ang tinanghal na Summa Cum Laude!

Ipinanganak na bulag si Minnie. Ang kanyang mga magulang ay sina Dr. Angelo Juan at Dr. Maria Lilia Juan na kapwa doktor. Pangalawa sa apat na magkakapatid si Minnie.

Sa Kasalukuyang may sariling pamilya na si Minnie at nagtuturo siya sa kanyang mga kapwa visually-impaired sa Vergen Milagrosa University sa Pangasinan.

Ang kwento na ito ni Minnie ay tunay na kahanga-hanga ang kanyang pinakitang dedikasyon at pagpupursige sa kabila ng kanyang kalagayan.

Nag viral ang kwento na ito ni Minnie sa social media at ito ay naghatid ng inspirasyon sa marami at naging magandang halimbawa para sa kalahat lalong-lalo na sa mga tao na may kapansanan.