Isang Netizen, ma-swerteng nakakuha ng mamahaling alahas sa nabiling gamit sa ukay-ukay

Marami na tayong nababalitaan at nababasa na mga sinuswerte at pinapalad na nakakakuha ng mga pera, ginto at iba pang kapaki-pakinabang at may halaga sa mga nabibiling ukay-ukay na gamit.

Hindi maipagkakaila na maraming pinoy ang mahilig bumili sa mga ukay-ukay shops dahil hindi lang sa sobrang mura kundi lahat ng gamit dito ay branded lahat.

Samantala, natulala at napanganga nalang ang mga netizen sa malaking swerteng balik mula sa P180 lamang na jacket na nabili ng netizen na si Alvin Piñero Balbon sa isang ukay-ukay shop sa Dumaguete.

Dahil hindi inaasahan ni Alvin na ang kanyang paghahanapng mumurahing jacket ay maghahatid sa kanya ng isang mabigat at kumikinang na 18 karat na gintong kwintas.

Ayon kay Alvin , saka na niya namalayan na may biyayang dala ang nabili niyang ukay-ukay nang labahan niya na ito. Sa una’y akala niya parang mga pang display display lang, ngunit naghihinala na siya kaya’t pinasuri niya ito sa mga sanglaan.

“Iba kasi ako pag maglalaba chini-check ko muna yung mga bulsa kung meron bang mga papel or tissue kasi kakalat lang sa washing machine,”

“Pag check ko sa bulsa ng jacket may necklace, akala ko lang din mga bling-bling lang na kwintas,”

Hindi makapaniwala si Alvin sa kanyang nakuha, lalo siyang nagulat ng sabihin ng tauhan ng pawnshop ang bigat at karat nito. Lalo niyang ikinatuwa nang malaman ang maaaring halaga nito.

“Ang sabi 87 grams at 18karat, kaya tinanong ko kung magkano kaya ang tanggap nila pag isinangla, ang sabi P93,700 sir,”

Para daw makasigurado, minabuti niyang ilapit ito sa iba pang tanggapan ng mga alahas, dito niya nalamang halos triple pa ang halaga ng kwintas na kanyang nakuha.

“Pina-appraise ko sa Cebuana, malaki ang tanggap nila umabot ng P278,200. Mababa lang ang sangla sa Palawan,”

Dahil sa swerteng nangyari kay Alvin maraming mga netizen ang napa-Sana All at na-amaze sa kanyang nakuha sa ukay-ukay.

“Totoo. Marami ngang mga pumupunta dito para lang tingnan,” pag-amin niya sa isang netizen nagtanong kung legit ba

Ito ang kabuuang post ni Alvin :

Mga Marites, nakalimutan kong ikwento sa inyo na kahapon pumunta ako sa ukay-ukayan. Sa kakahanap at pamimili ko may nagustuhan akong jacket hindi naman siya mukhang kupas tingnan kaya binayaran ko na kaagad.

Kaninang umaga lang nilabhan ko, iba kasi ako pag maglalaba chinicheck ko muna yung mga bulsa kung meron bang mga papel or tissue kasi kakalat lang sa washing machine.

Pag check ko sa bulsa ng jacket may necklace, akala ko lang din mga bling-bling lang na kwintas. Habang tinititigan ko, mahahalata rin kasi kung totoo or fake pero parang totoo.

Sa sobra kong paghihinala, pinapa-appraise ko siya sa Palawan Pawnshop, tapos ang sabi 87grams at 18karat kaya tinanong ko kung magkano kaya ang tanggap nila pag isinangla ang sabi P93,700 sir. Hehehe parang swerte ako sa jacket na tig P180.

Tapos nung pag post ko may nakapagsabi na maliit lang ang tanggap ng Palawan pawnshop, kaya sinubukan kong i-appraise sa Cebuana, medyo mas malaki ang tanggap nila, sobrang laki talaga. hahah. Praise to God.

Source: Alvin Piñero Balbon