Isang dalaga, nagpaganda at nagpapayat matapos iwanan ng kasintahan dahil sa mabigat na timbang nito

Marahil napapansin natin na naging kaugalian ng ilang mga Pinoy ang mang-asar o manukso ng kapwa kung minsan nga ay tinatawag nila na bab0y o balyena ang mga babaeng may mabigat na timbang at mataba ang katawan.

Subalit hindi alam ng marami na dahil sa ginagawa nilang pang-aasar o panl@lait ay maraming tao ang bumababa ang self-confidence o bumababa ang tingin sa sarili dahil sa mga natatanggap na pangungutya ng ibang tao.

Ngunit mayroon din naman iba na imbes na panghinaan sa mga pangmamaliit ng iba ay ginagamit nila ito bilang kanilang motivation upang maabot ang kanilang pinapangarap na katawan.

Katulad na lang ng kwento ng buhay ng netizen na si Majel Santiago, kung saan ay kaliwa’t kanan ang kanyang natatanggap na pangungutya dahil siya ay may mabigat na timbang at malaking pangangatawan.

Sa Facebook post ni Majel, iniwan siya ng kanyang dating kasintahan dahil daw siya ay mataba. Isang dahilan daw ito kung bakit nagpursige siyang magpapayat at maging s3xy ang katawan.

Ipinakita nito ang kanyang mga litrato noong siya pa ay tumitimbang ng 85kg at ang mga pinakabago niyang litrato na tumitimbang na lamang ng 50kg.

Ayon pa kay Majel, napabayaan daw niya ang kanyang katawan at tumaba siya ng husto noong mga panahon na sobrang na-stress siya sa kanyang dating kasintahan, kasabay na rin ng unhealthy lifestyle at mga bisy0.

Siya raw ay nakakuha ng mga pangungutya sa personal at sa social media maging ang kanyang mahal sa buhay ay nag-aalala na sa kanyang hindi mapigilang paglobo ng katawan.

Ayon pa kay Majel, madalas ay pati ang kanyang minamahal ng kasintahan ay nilalait siya at sa tingin niya ay ito ang isa sa dahilan kung bakit sila naghiwalay.

Dahil sa mga panlalait at pangungutya na natatanggap ni Majel, naisipan niyang palitan ang unhealthy lifestyle.

Para na rin daw umano maging healthy ang kanyang katawan at nais daw niyang ibalik ang kanyang confidence sa sarili.

Hindi raw naging madali ang lahat kay Majel, subalit nag pursige siya at naglaan ng matinding disiplina sa sarili para maabot ang pinapangarap na katawan.

Nagbawas ng kanin, itinigil ang bisyo tulad ng paninigarilyo at paginom ng al@k at higit sa lahat ay sinabayan niya ito ng dasal dahil hindi nga naman madali ang magbawas ng timbang dahil kailangan dito ng matinding disiplina sa katawan.

At ngayon ay talaga naman maituturing na s3xy at wala ng taba ang kanyang katawan dahil sa kanyang pagsisikap at pagsasakripisyo.

Ang kwento na ito ni Majel ay ibinahagi niya sa kanyang social media, naging inspirasyon ito sa marami na nagbabalik din mag bawas ng timbang at magpalit ng lifestyle.