Babaeng dayuhan na ‘na-inlove’ diumano sa taong grasa, ayaw malayo o iwan sa taong grasa naging usap-usapan!

Kamakailan lamang ay nag viral ang isang video ng isang Chinésé na babae dahil sa pagmamalasakit nito sa isang taong grasa.

Sa isang Facebook page na “Kabiyak” talaga naman na marami ang nakapanood at nakasaksi sa isang dayuhang babae na tila ayaw pumayag na umalis at iwanan ang katabi niyang lalaki na nakatira sa isang bangketa at kita sa lalaki ang dumi sa buong katawan.

Mapapanood din sa video na marami ang gustong pasakayin ang dayuhan sa kanilang sasakyan at ang isa pa nga na nag rescue ay ang “Bagong Parañaque” kaya naman marami nagsabi na ito ay sa Parañaque nangyari.

Marami ang kumukumbinsi na siya ay sumama na sa rescue team ngunit kahit sino pa ang magsabi sa kanya ay wala siyang pinakinggan at kinausap.

Samantala hindi napigilan nag sigawan at hiyawan ang mga taong nandoon ng biglang tumayo ang lalaki at sumakay sasakyan ng rescue ay sumunod at pumayag din ang Chinésé na babae para mailigtas siya sa anumang kapahamakan.

Dahil sa pag viral ng video na ito marami ang netizens na nagbigay ng iba`t-ibang komento at reaksyon.

Sa kabila nito marami naman talaga ang humanga sa Chinésé na babae dahil sa pinakita nitong pagmamalasakit dahil kahit sino pa man ang kumausap dito ay hindi niya talaga iniwanan ang lalaki.

Siguro nga ay mahirap lamang ang lalaki at hindi pinalad sa buhay ngunit pinalad naman siya dahil nakakilala siya ng babae na tulad ng Chinésé na ito.

Bagama`t wala pang kasiguraduhan o kumpirmasyon kung ano nga ba talaga ang relasyon ng dalawa ay hindi pa rin naman mapigilan na humanga ang mga tao dahil sa mala pelikulang eksena ng dalawa.