Babaeng plantita, lumabo ang paningin matapos matalsikan ng dagta ng halaman na ito

Nauuso ngayon ang pag-aalaga ng mga halaman kaya ang iba ay nawiwili na mag-alaga at magtanim ng mga ito, Kung tawagin nga sila ay mga “Plantito at Plantita”.

Samantala, lingid sa kaalaman ng marami na nag-aalaga ng halaman ay hindi lang pala sa mga hayop ang mayroong kamandag dahil maging sa mga inaalagaan nating halaman ay mayroon din.

Katulad na lang sa nangyari sa isang certified plantita since 2019 na si Jelay Lapornina, Isang pangyayari ang hindi niya makakalimutan ito ay matapos manlabo ang kanyang mata dahil sa dagta ng kanyang inaalagaan na halaman.

Bago pa man daw mag-umpisa ang pandemya ay nahilig na umano siya sa pag-aalaga ng mga ito. Ngunit nitong nagdaang Hunyo, hindi niya inaasahan ang idinulot ng kanyang alagang Dumb Cane.

KWENTO NI JELAY:

“Binuhat ko po tapos pinutulan ko ng mga dahon na mga sira. Tapos, ci-nut ko ng günting. Tapos ‘yung isang stem kasi sira na, kaya inano ko ng it@k. Tapos pagkatapos no’n, binuhat ko, iniba ko ng posisyon ang bulaklak. Pagkatapos, may tumalsik sa mata ko. Pagkatalsik niya, mahapdi na.”

“Binalewala ko lang. Tapos, mayroon pa nga sa bibig ko, dinilaan ko pa nga. Tapos ang kati ng feeling ko no’n, hindi ko na maidilat (ang mata). Pagkahiga ko, ang lalamunan ko, natuyo na. Pagkatayo ko, hindi na ako makatayo. Nahihilo na ako,” dagdag pa niya.

At dahil sa pangyayaring iyon ay unti-unting nanlabo ang mga paningin ni Jelay.

“Primary component niyan ay iyong ‘saponin’ na kapag minix mo sa tubig ay bumubula. Para siyang sabon. Kaya siya saponin. Usually t0xic yan. Taken in it’s pure form, t0xic,” ani ng botanist na si Wally Suarez sa isang interview sa GMA7.

Ayon pa sa ekspertong botanist, meron daw itong 0xalates na nakapagdudulot ng pamamaga ng dila sakaling ito ay nakain ng tao at maaari din itong magdulot ng pagsusüka. Bagama’t may toxins hindi naman daw ito delikado ang mag-alaga nito.

“Marami sa mga houseplants natin, actually, may poison. So kung, if they’re just sitting in a corner, ‘di mo naman kakainin yan or hindi po ipapahid sa balat mo or sa sug@t mo, or accidentally ilalagay sa mukha, hindi siya delikado,” bigay diin ng botanist.

Paalala naman ng isang ophthalmologist na si Dr. Darby Cabuyao kapag daw natalsikan ang mga mata ng dagta ng halaman ito naman ang dapat gawin.

“Hindi na dapat sabunin kaagad ‘yung mga dagta na tumalsik sa mata. Mainam din na hugasan ang mata ng malinis na tubig at siyempre, pumunta agad sa 0pthalm0l0gist para maresetahan ng tamang gam0t.”

Sa kasalukuyan, malabo pa din ang mata ni Jelay at tuloy pa din siya sa paggamot ng ipinapatak sa kanyang mata.

Paalala ng mga eksperto, dapat raw ay alam din ng mga owner o mga nag-aalaga ng mga halaman na may mga toxins na hindi delikado alagaan.