Isang Lola nagtatrabaho pa rin bilang isang “kargador” sa palengke para lamang may makain sa araw-araw

Alam naman natin lahat na ang trabaho bilang “kargador” ay isang hanapbuhay na kinakailangan ng malakas na pangangatawan dahil sa mga kinakailangan nitong buhatin na mabibigat kaya kalimitan mga lalaki ang nagtatrabaho bilang kargador.

Samantala, isang video ang nagviral sa social media na in-upload ng isang Facebook page na kung saan makikita ang isang matandang babae na karga-karga at nagbubuhat ng mabibigat tulad ng sako at kahon na puno ang laman.

Napakasakit isipin na sa kanyang edad dapat ay nagpapahinga na lamang si Lola sa kanilang tahanan subalit imbis na magpahinga ay nagtitiis pa itong magtrabaho bilang isang kargador sa palengke dahil sa hirap ng buhay.

Nakakagulat isipin na sa edad ni lola at bilang isang babae ay kaya pa nitong magbuhat ng ganitong kabigat na trabaho.

Sa kabila ng pagkaawa ng ibang netizen marami din ang bumilib kay Lola dahil sa kabila ng katandaan ay hindi ito nakikitaan ng pagkahina ng katawan at tila nakangiti pa ito habang dahan-dahang binubuhat ang mabigat na sako sa kanyang likuran.

Gayunpaman, mapapansin naman ang kabigatan ng sakong karga ni lola dahil mas malaki pa ito sa kanya at tila punong-puno pa ito ng laman kung kaya naman mapapansin na naglagay ng tela si lola bilang suporta sa sako habang binubuhat niya ito.

Makikita naman sa video na dahan-dahan din nabuhat ni Lola ang kanyang karga mula sa likod na kitang-kitang ang kabigatan dahil ito ay apaw ang laman.

Subalit sa kabila nito nakakaawa pa rin panoorin si Lola dahil makikita ang kanyang pagkakayuko na tila mababali ang likuran habang naglalakad dahil sa mabigat na karga nito.

Marami naman sa nakanuod ng video ni lola ang nanghina ang damdamin dahil sa edad ni lola ay nagbubuhat pa ito ng mabigat na bagay para lamang may makain.

Marami ang pumuri kay Lola na mga netizen subalit ang iba ay nainis dahil hinayaan lang daw ng iba na magtrabaho si Lola na sana raw ay nagpapahinga na lamang ito sa kanilang tahanan.

NARITO SA BABA ANG REAKSYON NG MGA NETIZENS :

“This video shows how strong women are. Don’t get the wrong idea from your own perspective. She is a real Wonder Woman.. She deserve a gold medal.”

“Very strong si nanay. Admirable! See despite of her age still she works hard without complaining. God bless you nay good health strong body and mind.”

“Godbless you nanay, I’ll pray for your good health and i wish one day someone help you to change your life nanay”