Alagang aso, araw-araw naghihintay sa dalampasigan para hintayin ang amo na mangingisda na hindi na babalik pa kailanman

Naantig ang maraming netizen sa kwento ng isang aso na may pangalang Vaguito. Araw-araw siyang nagpupunta ng dalampasigan ng Punta Negra, Peru upang hintayin ang kanyang amo na isang mangingisda.

Ang kwento ng asong si Vaguito ay ibinahagi ng isang Peruvian Woman na kinilalang si Jolie Mejia, dahil sa kwento na ito maraming netizen ang hindi napigilan na lumuha.

Ayon kay Jolie palagi raw niyang nakikita si Vaguito na nakatanaw sa malayong bahagi ng karagatan. Hindi raw mukhang asong ligaw si Vaguito kung kaya naman batid ni Jolie na mayroon itong pamilyang nag-aalaga, ilang minuto lang daw ang nakalipas ay tila walang dumarating upang kuhanin o kamustahin ang aso.

Subalit maya-maya pa ay mayroong lalaki na lumapit sa kaniya at ikinuwento nga ang nakakalungkot na istorya ni Vaguito at ng kaniyang amo. Ayon sa kwento ng lalaki, kilalang-kilala ng mga residente sa lugar si Vaguito noon pa man.

Sa kasalukuyan ay nakatira sa isang malapit na bahay sa dalampasigan si Vaguito kasama ang babaeng nag-aalga sa kanya, subalit noon raw ay pagmamay-ari talaga siya ng isang lalaking mangingisda. Ang naturang mangingisda na ito ay nasawa sa dagat ilang taon na raw ang nakakalipas.

Palaging hinahatid ni Vaguito ang kaniyang amo at hinihintay ang pagbabalik nito mula sa laot.

Ngunit isang araw ay naganap nga ang trahédya na naging dahilan upang masªwi ang kaniyang amo at hindi na magbalik pa kailanman sa lugar na nakasanayang paghihintay ni Vaguito.

“He told us that the dog had lived with a fisherman who passed away some time ago, and that, since then, he comes here every day and looks at the sea, waiting for him to come back,” pahayag ni Jolie Mejía.

Marami ang napaluha sa kwento na ito ni Vaguito, tila ba umaasa pa ang asong si Vaguito na isang araw ay muli niyang masilayan ang kanyang amo. Nakakalungkot man tanggapin ngunit hanggang ngayon ay talagang umaasa parin siya at naghihintay sa dalampasigan araw-araw.