OFW, nakaipon ng P1M matapos iwasan ang paninigªrily0 at iba pang bisy0

Marahil ang iba sa atin ay hirap mag-ipon ng pera dahil na rin sa paggastos sa mga bagay na hindi importante tulad ng mga bisy0 at kalayawan sa katawan.

Samantala, naging inspirasyon sa marami ang kwento ng isang netizen na kanyang ibinahagi sa social media, ito ay kung paano siya nakaipon ng malaking pera matapos niyang kalimutan ang kanyang mga bisy0.

Ipinagmamalaki ng isang netizen ang kanyang malaking pera na naipon sa pamamagitan ng pag-alis o paghinto niya sa kanyang mga bisy0 tulad ng paninigarily0, paglalar0 ng online games at samahan pa din daw ng wastong diet sa katawan.

Ayon sa netizen na nakilala bilang si Neil Ryan Lorenzo, isang OFW, nakaipon siya ng 75,400 Riyal o mahigit kumulang isang milyon sa pera sa Pilipinas sa loob lamang ng tatlong taon at kalahati.

Dagdag pa ni Neil, 21 na taon na siyang nagbibisy0 ng y0si kaya malaki ang pasasalamat nito dahil naiwasan na niya ang paggamit nito.

Sinabi rin niya na dahil sa kagustuhan niyang makaipon malaki ang nagbago sa kanyang kalusugan, sa katunayan nga raw ay ang dati niyang timbang na 85 kilo ay bumaba na at naging 75 kilos na lang.

Malaki din ang pasasalamat ni Neil sa isang fanpage sa Facebook na “PESO SENSE” dahil ayon sa kanya, dito raw niya natutunan kung paano mag-ip0n at tanggalin ang kanyang bisy0. Nagpasalamat din ito sa Panginoon at sa kanyang pamilya.

Pahabol pa ni Neil, pag daw siya ay nakauwi sa bansa ay magbibigay siya ng donasyon sa simbahan at mag-iikot ito upang mabigyan ng kaunting tulong ang mga pulubi sa lansangan.

NARITO ANG BUONG POST NI NEIL RYAN LORENZO :

“Ito na ipon challenge ko 3yrs and half ko sya inipon nakita ko ito sa peso sense nag karoon ako ng idea sa sarili ko para mag ipon alam nyo ba ano ginawa ko pra dumami ipon ko po inalis ko po y0si ko nag diet pati games ko inalis ko sobra laki pala nagagastos ko sa y0si at pag kain ko pati na din games ko.

“Inalis ko lahat dami nag bago sa kalusugan ko 21yrs bago ko stop pag yo2si ko 85k ako dati now 75k nalang timbang ko diba naka ipon na ako na alis ko pa bisyo ko salamat sa pesonsense ikw dahilan kya nagawa ko ito salamat lord sa pamilya ko.. Sana makatulong sa inyo lahat paano ba talaga mag ipon.

“Guys magbibigay po ako ng blessing sa inipon ko paki share nalang po at like mag share makaka sali po sa raffle ko sa dec 22 8pm po mag start raffle ko. tatlo po mananalo ng 500sr katumbas 6500php para po sa pasko pang dagdag sa handa malalaman nyo po sino manalo sa dec 23 8am magmessage ako sa mananalo di po pwede dummy account manalo dummy di ko po bibigay prize nyo.

“Naipon ko pala 75400k riyal + 2700peso total po sa pera natin 1 million mahigit po sobra happy talaga ako di ko akalain sobra laki pala na ipon ko…. At pag uwi ko magbibigay po ako sa church nanay ko po at mag iikot para sa mga pulubi para kahit papaano mabigyan ko sila konti pagkain para sa pasko salamat po sa lahat iloveu guys.

Source: Neil Ryan Lorenzo