Isang lalaki biglang umurong sa kasal matapos madiskubre ang itinatagong sekreto ng babaeng pakakasalan

Itinuturing na ang Kasal ay pinaka sagrado sa pagitan ng magka-relasyon o sa dalawang taong nagmamahalan. Kaya naman kailangan itong paghandaan at pag-isipan ng ilang beses bago mag desisyon at tuluyang magpakasal sa kapareha.

Katulad ng istoryang ito ating tunghayan ang kwento ng magkasintahan kung saan ay nadiskubre ng lalaki ang matagal na pinaka-lihim ng babaeng kanya sa nang pakakasalan.

Nakilala ang lalaki na si Yusuf na mayroon ka LDR o Long Distance Relationship na tumagal ng dalawang taon na kailanman ay hindi pa sila nagkikita sa personal at tanging internet lamang sila nag-uusap at nagkaka-kwentuhan.

Ang kanilang naging komunikasyon daw ay tanging tawagan lamang sa telepono sa loob ng dalawang taon dahil ayaw umano ng babae na makipag-video call at marami itong sinasabing dahilan.

At dahil sa kanilang tumagal na relasyon ay tila lumalim ang kanilang pag-iibigan sa isa’t-isa kaya naman nagdesisyon sila na magpakasal.

Subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay sa araw mismo ng kasal ng dalawa ay biglang umurong si Yusuf dahil nabuking nito ang pinaka tinatagong lihim ng babaeng kanyang pakakasalan.

Laking gulat raw ni Yusuf na ang babaeng kasama nito sa altar ay ibang-iba ang itsura sa nakilala sa internet.

Dahil dito ay nahimasmasan at tila nagising sa katotohanan si Yusuf sa ginawang panlilinlang sa kanya ng babae kung kaya naman hindi na siya nagdalawang-isip na itigil ang kasal.

Ayon kay Yusuf, magkahalong galit at inis ang kanyang nararamdaman ng malaman na ang babaeng kanyang iniibig sa online ay iba pala ang mukha sa personal na tila niloko lamang siya nito.

Nalaman naman ni Yusuf na kasing edad na ng kanyang lola ang babaeng muntik na sana nitong pakasalan na ibang-iba ang mukha sa babaeng bumihag sa kanyang puso sa internet.

Kwento pa ni Yusuf ay mayroon pa umanong pagkakataon na pinapadalhan niya ng pera ang babaeng nakilala nito online kung kaya naman doble-doble ang galit na naramdaman niya.

Sobra-sobra ang panghihinayang at pagsisisi ni Yusuf sa nangyari at hanggang ngayon raw ay hindi pa rin siya makalimot sa nangyari sa kanya.

Tunay naman na napakalayo ng totoong itsura ng babae sa mukhang kanyang ipinapadala sa kasintahang lalaki.

Kung iisipin ay naloko dito si Yusuf at nagkamali siya dahil nagmadali siya at niyaya niya agad itong magpakasal imbis na kilalanin muna ang tunay nitong pagkatao.