Working student ginamit na inspirasyon ang tagpi-tagpi nilang bahay para makapagtapos sa kursong Architecture

Hinahangaan ng mga netizen ngayon sa social media ang kahanga-hangang kwento at dedikasyon ng isang estudyante na ilang beses napilitang tumigil sa pag-aaral dahil sa kahirapan at nagsumikap at nagpursige upang tuparin ang mga pangarap.

Narito ang magkasamang pait at tagumpay na kwento ni Jonell Calisin na inabot ng halos 9 na taon sa kolehiyo dahil sa patigil-tigil sa pag-aaral dahil sa kakapusan sa pamumuhay, subalit hindi sumuko at ngayon ay masaya niyang ibinahagi ang kanyang pagtatapos sa kursong Bachelor of Science in Architecture sa Bulacan State University.

Ayon kay Jonell aminadong siya ay nahihiya sa mga mas batang mga kaklase dahil napag-iiwanan na umano ng kanyang mga dating ka-batchmates, ngunit hindi nalang niya ito pinapansin kahit pa minsan mas matanda siya sa kanyang mga propesor, ang iba’y mga batchmates pa niya.

Pumasok si Jonell bilang empleyado sa isang gasolinahan, naging merchandiser at factory worker sa mga magkakaibang kompanya para lang kumita at makapag-ipon sa kanyang pag-aaral.

Maraming pagkakataon din na kailangan pa mangutan ng magulang ni Jonell para sa pamasahe papasok sa kanyang paaralan.

“Gusto ko nang sumuko nun pero para bang hinihila ako palagi ng mga paa ko para mag aaral sa kursong gustong- gusto ko ang architecture,”

Dumating sa buhay ni Jonell ang panghinaan ng loob at gusto nang sumuko, hindi lamang dahil sa kawalan ng pinansyal dahil naging hamon din sa kanya ang hindi pagpasa sa maraming subjects na kailangan niya pang balikan.

Subalit sa kabila ng mga pagsubok, nanaig parin ang kanyang pagtitiyaga. Malaking parte rin ang hinugot niyang inspirasyon mula sa sitwasyon ng kanilang bahay na nabuo sa tagpi-tagping mga kahoy at yero.

“Lagi ko lang tinitignan yung bahay namin pag gusto ko nang sumoko lagi kong iniisip na gusto kong makaranas ng may maayos na bahay yung hindi kayo nababasa pag umuulan hindi sopbrang init pag tag araw yung sarili nyo na yung lupa,”

Para naman kay Jonell, payo niya sa lahat ng mga kagaya niyang nakaranas ng matinding pagsubok at paghihirap para lang maka-graduate na huwag sumuko at magpatuloy lang sa pangarap dahil ang dulo ay matamis na tagumpay.

“Hindi madali pero hindi imposible kapit ka lang para sa pangarap mo lagi mo lang iisipin kung bakit mo ginagawa lahat ng yan kapag napanghihinaan ka na,”

“Tuloy mo lang yung pangarap mo kahit nahihirapan ka na kahit pagod na pagod ka na kasi worth it yan ipaglaban.”

NARITO ANG KAHANGA-HANGANG KWENTO NI JONEL CALISIN:

Mahirap pero hindi imposible.

Ako na yata ang pinaka huli sa batch ko sa 2010 na gagradute. Dahil sa napakaraming dahilan una na yung napilitan akong mag stop dahil nawalan ako na trabaho. Noong pinagsabay ko yung pag aaral ko at pagtatrabaho bilang gasoline boy. Kaya nag stop ako ng halos tatlong taon.

Naghanap ulit ako ng pag kakakitaan para makaipon naging merchandiser at factory worker sa tatlong ibat ibang factory para makapag aral uli. nung nakapag aral naman uli nakaranas naman ng bagsak sa ibat- ibang subject.

Gusto ko nang sumuko nun pero para bang hinnihila ako palagi ng mga paa ko para mag aaral sa kursong gustong- gusto ko ang architecture.

Hindi kami mayaman hindi ako matalino hindi ako proud na umabot ako ng 8 and half year sa college pero ang tanging maipag mamalaki ko lang ay yung hindi ako sumuko sa hamon ng buhay. Naalala ko pa noon na lagi kong tinatanung ang sarili ko kapag nahihirapan na ko . tama pa ba o tama na.

Madalas sakto lang yung pera ko sa pamasahe pag papasok na ako ng school minsan nagugutang pa yung magulang ko para lang makapasok ako buti nalang nagging libre yung tuition kahit papaano kinaya akong supurtahan ng magulang ko minsan nahihiya rin ako kasi ako na yung pinaka matanda sa mga kaklase ko pero hindi ko nalang pinansin kasi sa edad na 31 nakagraduate na din ako. Nakaka-intimid@te din minsan na mas matanda ka pa sa prof. mo minsan ka batch mo pa sila.

Trust the process minsan kailangan mo talagang pag daanan lahat ng hirap at mga pasakit para patatagin ka ng buhay. hindi madali pero hindi imposible kapit ka lang para sa pangarap mo lagi mo lang iisipin kung bakit mo ginagawa lahat ng yan kapag napang hihinaan ka na .

Lagi ko lang tinitignan yung bahay namin pag gusto ko nang sumoko lagi kong iniisip na gusto kong makaranas ng may maayos na bahay yung hindi kayo nababasa pag umuulan hindi sopbrang init pag tag araw yung sarili nyo na yung lupa. Mag tiwala ka lang sa diyos at magugulat ka na lang nakamit mo na pala yung mga pangarap mo.

Tuloy mo lang yung pangarap mo kahit nahihirapan ka na kahit pagod na pagod ka na kasi worth it yan ipaglaban.

Source: Jonell Calisin