Dating Janitor at Labandera isa na ngayong ganap na Prominenteng Judge, Viral!

Hinahangaan ng marami ngayon ang nakaka-inspire at pambihirang kwento ng 56 years old na si Hon. Ave Zurbito Alba na mula sa Milagrosa, Masbate. Sino nga ba ang mag-aakala na ang isang Prominenteng Judge ay dating isang Labandera at Janitress?

Siya si Hon. Ave Zurbito, nagmula siya sa isang mahirap na pamilya na kung tawagin nga ay isang kahig isang tuka, Pangwalo siya sa sampung magkakapatid at tanging pagsasaka ang ikinabubuhay ng kanyang ama.

“Kulang na kulang ang pagkain namin. Nakakain kami ngayong umaga, yung kakainin namin mamayang tanghali maghahanap-buhay pa yung Tatay ko” ani Ave.

Ayon kay Atty. Ave tumatak raw sa kanyang isipan ang paulit-ulit na senaryo kung saan kapag masama ang panahon ay makikita niya ang kanyang ina na nakaluhod habang nagdarasal sa harap ng dagat at pangambang hindi na makakabalik ang mga kapatid niyang mangingisda.

Kwento pa ni Atty. Kapos daw sila sa pagkain, kung minsan ay walang sabon mayroon naman tootbrush subalit tanging asin ang kanilang toothpaste. Ito raw ay parte ng kanilang araw-araw na buhay noong siya ay bata pa lamang.

Sa mga karanasan na ito ni Atty. Ave, hindi mapigilan ni Ave na magtanong sa sarili. Bakit sila pinanganak na mahirap? Talagang ito daw ba ang hatol ng langit sa kanila — ang magdusa?

“Wala na kaming makain. Tatlo kaming magkakapatid, binigay kami ng nanay ko sa lolo ko para doon kami mag-aral kasi hindi nga kaya nang magulang kong pakainin kami” pagpapatuloy ni Ave.

Noong pitong taong gulang pa lang daw siya ay natuto na siyang maglaba habang dalawa naman niyang kapatid ay nag-aararo at nagtatanim ng kamoteng kahoy. Subalit makalipas lamang ang isang taon ay agad silang binawi ng kanilang Ina dahil ginagawa raw silang mga katulong ng kanilang lolo.

Sa kasamaang palad , biglang pumanaw ang ina ni Atty. Ave dahil sa str0ke.

“Nang mamatay ang nanay ko, mas lalong matindi yung paghihirap. Yung mga kapatid ko ay hindi naman nakapag-aral ng high school. Ako lang yung nag-aral ng high school”. Pagdedetalye ni Ave.

Noong namatay ang Ina ni Ave ay inampon siya ng kanyang Guro na si Vilma Suriago. Sinabi nito kay Ave na pwede siyang tumira sa kanilang bahay, libre ang pagkain at matutulugan basta tutulong siya sa gawaing bahay.

“So dahil sa kagustuhan kong mag-aral, doon ako tumira. Gumigising ako ng alas- tres ng umaga, magluluto pa ako, maglalaba ng mga lampin kasi may anak siya, mag-iigib ng tubig. Dapat kaylangan kung tapusin yon kasi, 7:30 in the morning dapat nasa school na ako”.

Makalipas ang dalawang taon, lumipat naman siya sa bahay ng isa pa niyang gurong si Seneca Tacurda hanggang sa matapos niya ang High School kung saan siya ang naging Valedictorian.

Tinulungan naman siya ng isang guro at inirekomenda siya na mag-working student sa isang medical school sa Legazpi City. Natanggap naman siya bilang Janitress kung saan dito na rin siya tumira habang nag-aaral sa kolehiyo.

“Hindi ko kinakahiya kasi, pagdating sa klase ako naman ang nangunguna” dagdag pa ni Ave.

Taong 1987 ng nakapagtapos si Ave bilang isang Summa Cum Laude sa kursong Bachelor of Science in Secretarial Administration. Kalaunan ay nagtrabaho siya bilang Court Stenographer, nakapag-asawa at nagka-anak na rin siya ng mga panahong ito.

Naging malaki ang impluwensiya kay Ave ng pagiging empleyado sa korte sa pag-aaral niya ng abogasya. Sa umaga siya ay stenographer at sa gabi naman ay isang estudyante sa Law school.

“Napakahirap kasi kapag court stenographer ka na hindi mo alam kung ano ang sinasabi ng abogado. Kaya nagsikap ako na makapagtapos ng pagka-abogasiya” saad ni Ave.

Nakapasa si Ave sa Bar Exam noong 1999, ayon sa kanya :
“Talagang wala akong ginawa kung hindi magdasal. Tapos nang pumasa ako sa Bar, syempre talagang lahat ng paghihirap mo ay bale wala na yun.”

At taong 2006 ng si Ave ay maging promenenteng Judge sa Korte ng Daraga, Albay.

“Ang pagiging Judge, iba sa pagiging Abogado. If you are the council for accuse, yun lang ang gagawin mo magdepensa sa akusado or sa complainant. Samantalang kapag huwes ka titimbangin mo kung sino ang nagsasabi ng totoo at kung sino ang may kasalanan” ani Ave.

Komento naman ni Seneca Tacurda, isa sa mga tumulong kay Judge Ave, “Sino bang isang teacher ang hindi ka magiging proud, pag ang estudyante mo naka-akyat ng ganito through her sacrifice, Judge na siya ngayon”.

“Actually, she deserved it. I mean it’s not only the school but it’s the student who has been able too, very patient, industrious, that’s Juge Ave” aniya naman ni Dr. Angelita Ago, isa pa rin sa mga taong tumulong kay Ave.

Sa lahat ng sakripisyo at hirap na pinagdaan ni Judge Ave Alba, maging siya mismo ay hindi pa rin makapaniwala sa mga tagumpay na narating niya sa buhay.

“Kahit anong pagsubok na dumating sa ating buhay, wag nating isa-isip na yun ay sagabal sa ano mang pangarap natin, isipin natin na Every Stumbling Block is A Stepping Stone To Success”.