Isang Magsasaka mula Leyte, tumama sa lott0 ng tumataginting na P142 Milyon!

Lahat tayo ay nangangarap na balang araw ay umunlad ang pamumuhay, marami nga sa atin ang umaasa na sana ay swertehin at palarin at dahil kapag umayon naman talaga sayo ang panahon at swerte ay tiyak na ikaw ay biglang unlad.

Kapag usapin swerte naman hindi mawawala diyan ang usapin sa pagtaya sa Lotto. Masasabi kasi na kapag ikaw ay tumama dito ay tiyak na instant milyonaryo ka at napaka-swerte mo kapag sayo ito pinagkaloob.

Katulad na lang ng isang magsasaka na 80 taong gulang na, sa kanyang 15 taon bilang mananaya sa Lotto ay nakuha nito ang P142 Milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 na binola ng Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) nitong Enero 16, 2022.

Hindi makapaniwala ang isang Lolo na tubong Leyte na bigla siyang Instant Milyonaryo. Ayon sa PCSO central office sa Mandaluyong, kinuha o nag-claim ang matanda noong Enero 27 kasama nito ang dalawang anak na lalaki, ang masuwerteng numero sa Supper Lotto Winning 6/49 na tinamaan ay 02-05-04-31-01-46.

Para sa kaalaman ng marami ang maswerteng Lolo mula Leyte ay 15 taon ng regular na tumataya sa Lotto. Swerte nga lang sa pagkakataong ito ay sa kanya napunta ang tumataginting na Jackpot Prize.

Sa kwento ni Lolo, gagamitin daw niya ang napanalunan na pera para makapagpatayo ng sariling Lotto Outlet bilang negosyo at bibili rin siya ng mga ari-arian.

Sa kaalaman naman ng marami, hindi buong 142 milyon ang nakuha ni Lolo dahil sa ilalim ng TRAIN Law (Republic Act No. 1169) ang premyo ng PCSO Lotto na nagkakahalaga ng mahigit P10,000 ay sasailalim sa 20% tax. Ibig sabihin si Lolo ay tumanggap ng higit na nasa P114 Milyon.