Isang Tatay na may kapansanan, patuloy ang pagsisikap bilang fishball vendor para sa pangangailangan ng Pamilya

Kung minsan ay hindi sa atin pumapabor ang tadhana sa atin at tayo ay pinanganak na kapus palad at salat sa ginhawa, subalit ganun pa man may mga kasabihan nga tayo na ang tao pa rin ang siyang guguhit sa kanyang kapalaran kung ano ang nais niyang abutin samahan lang ng pagsisikap at pagtitiyaga lahat ng pangarap ay ating makakamit.

Samantala, marami sa atin ang madalas ay sumusuko na lamang sa buhay kapag sila ay nahihirapan, mayroon nga na kahit walang kapans@nan ay masasabi natin na batugan o walang ginagawa kundi ang magbabad sa higaan at maghintay na lamang ng kung ano ang darating.

Kaya naman tiyak na ang kwento na ito ng isang ama na si Tatay Noel Perez ay magbibigay ng Inspirasyon para sa marami.

Siya si Tatay Noel Perez o mas kilala ng kanyang mga suki sa tawag na Mang Weng. Hinahangaan siya ngayon ng maraming netizen dahil kahit pa kulang ang kanyang katawan ay hindi ito nawalan ng pag-asa para ipagpatuloy ang pagiging masipag at madiskarte.

Sa ulat ng GMA Public Affairs kung saan nakapanayam si Tatay Noel, kinuwento umano ni Tatay Noel kung paano siya nawalan ng kamay.

Sinabi nito na taong 1983 ng maputol ang isa niyang kamay habang ang kabila naman nito ay baldad0 dahil sa pagkakuryente niya sa pinapasukan na construction site noon. Ngunit sa kabila ng sinapit ni Tatay ay nagdesisyon siyang ipagpatuloy ang laban sa buhay.

Hindi alintana ni Tatay Noel ang kakulangan niya sa kanyang kamay bagkus naging daan ito para lalo siyang magpursige sa buhay para matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya araw-araw.

Sa kabila ng kanyang sinapit napagtapos ni tatay Noel ang kanyang mga anak at naibibigay ang gamot para sa kanyang asawa.

“Nakapag-abroad nga po yung anak ko pero mahina po yung sahod. Kailangan ko pong magtrabaho ‘yung misis ko po kailangan pa yung medication”.

Tunay na nakakamangha at nakaka-inspire ang kwento na ito ni Tatay Noel, nawa’y marami ang mabigyan ng motibasyon sa laban ng buhay tulad ng ginagawa ni Tatay Noel.