Dating Sales Clerk na hindi mabisy0 na nakapag-ipon ng P67k sa loob ng 7 buwan, Viral!

Hindi namalayan ng isang may bahay na sa kanyang ginawang pagtitipid ay umabot sa 67 libong piso ang kanyang natitipid o naiipon na pera.

Sa ibinahagi ni Maricar Lizada-Vargas na kanyang kwentong ‘iponaryo’ sa Facebook page na Chinkee Tan, nagumpisa raw siyang mag-ipon ng paunti-unting mga barya at gawing alkansya ang bote ng 1.5 litro ng coke.

Sa simula raw ay mga barya hanggang sa nag-ipon na rin siya ng mga singkwenta pesos nitong Enero lamang.

Hindi daw siya nagaaksya ng panahon at lagi raw itong nagtatago o nagtatabi sa kanyang ipon. Tuwing magkakaroon daw siya ng 50 pesos ay nakasanayan na niya na ito ay itago sa halip na gastusin.

At makalipas nga ang 7 buwan ay hindi namalayan ni Maricar na ang kanyang mga tinatagong pera ay umabot na sa P67,000 libong piso.

“Nag start ako sa pabarya baryang ipon nilalagay ko sa 1.5 ltr coke prang lalo ako na-mo-motivate kapag nakikita kong pupuno ko nang hindi ko napapansin, then January this year nag start ako sa invisible 50 wala akong pinapalapas nakakaad!k pala mag-ipon lalo pag nakasanayan mo na haha. Ngayon it’s time to open na din I can’t believed na aa loob ng 7months naka 67k ako ng di ko man lang naramdaman..”

Dagdag pa ni Maricar, noon pa man daw ay mahilig na siyang mag-ipon hindi rin daw siya maluho at sobrang kuripot daw niya pagdating sa materyal na bagay.

Siya raw ay open minded pagdating sa mga passive income, palagi raw niya iniisip ang wants v.s needs at kung paano pa madagdagan ang kanyang kasalukuyang kinikita.

“In short i always choose kung saan convinent at makakatipid.”

Tulad ng marami, nangungupahan lang ang rakiterang 35-anyos na si Maricar sa kanilang tinitirahan kasama ang kaniyang live-in partner at ang kani-kanilang mga anak.

Silang dalawa raw ay magkahati sa lahat ng bayarin at gastusin, maliit man o malaki ang kanilang bayarin.

Napagdesisyunan naman ni Maricar na idagdag ang naipon bilang puhunan sa pagiging online distributor. Nakapagpundar na rin siya ng maliit na lupa at mga alagang hay0p.

Nais raw niya magbigay ng inspirasyon para sa mga katulad niyang nangangarap na umunlad ang pamumuhay.

Source: Chinkee Tan