Isang OFW sa Saudi, instant milyonaryo matapos maibenta ang napulot niyang Meteorite sa halagang P170 Million

Minsan ang swerte ay hindi natin hinihiling o hinihintay dahil kusa na lamang ito dumadating na hindi mo namamalayan at walang oras ito kung dumating.

Gaya na lamang ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) ang maswerteng naging instant milyonaryo matapos makabenta ng kanyang napulot na meteorite o bulalakaw sa bahay na kanyang pinagtatrabahuhan sa Saudi nito lamang Hulyo 27, 2022.

Sa kwento ng naturang OFW na hindi pinangalanan para sa kaligtasan na rin nito, Nakarinig daw siya ng malakas na kalabog sa labas ng kanyang pinagtatrabahuhang bahay kaya naman agad itong lumabas at hinahanap.

Nagulat raw siya na makakita siya ng umuusok at umaapoy na bato sa isang sulok ng compound.

Kaya naman agad niya itong sinabuyan ng tubig upang matigil sa pag-apoy. Nang malaman ng kanyang amo kung ano ang nahulog ay tumawag raw ito ng dalawang lalaki upang suriin ang bato.

Ayon sa mga eksperto, 100% raw na meteorite ang bumagsak sa bahay ng kanyang amo. Pagpapatuloy namang ng kwento ng naturang OFW gusto raw kunin ng kanyang amo ang mga bato at gustong i-surrender sa dalawang lalaki dahil malas daw ito sa kanyang bahay.

Hindi raw pumayag ang OFW sa kagustuhan ng kanyang amo kaya nang magkaroon daw ng pagkakataon ay ipinatingin niya ang napulot na bulalakaw sa mga bumibili ng mga kapareho na bato.

At hindi nga nasayang ang pagbabakasakali ng OFW dahil mabilis itong nabenta sa malaking halaga.  Tumataginting na 11.6 million riyals o mahigit 170 million pesos ang napulot na bato ng naturang OFW.

Nakatakda na umanong umuwi sa bansa ang maswerteng OFW upang makapag negosyo kahit hindi pa tapos ang kanyang kontrata.