Isang Elepante agad na sumaklolo sa kanyang Amo na muntikan nang malun0d sa Ilog! Usap-usapan!

Humanga ang marami sa ginawang kabayanihan ng isang batang elepante sa kanya mismong amo o tagapag-alaga.

Ayon sa ulat, ang naturang tagapag-alaga ng batang elepante ay muntikan ng malun0d sa ilog subalit dahil tulong ng batang elepante ay nasagip agad ito.

Ang naturang elepante ay kilala bilang si Kham Lha, Nailigtas sjya sa kanyang mapanakit na amo at si Darrick na ang talagang nag-alaga at kumalinga sa kaniya mula ng panahong iyon.

Kaya naman hindi na nakakapagtaka kung bakit ang turingan ng dalawa ay tunay na magkaibigan at sila ay naging malapit sa isa’t-isa.

Isang araw ay napansin ni Khan Lha na tila nahihirapang lumang0y ang kaniyang kaibigan na si Darrick sa gitna ng ilog kung kaya naman agad agad itong lumus0ng at iniligtas ito. Si Darrick ay mula pa sa Northern Thailand ngunit siya ay laking Toronto, Ontario talaga.

Kwento naman ni Darrick, noong napunta raw sa kanila ang elepanteng si Kham Lha ay talagang hindi maayos ang kalagayan nito. Ito raw ay nakatali at sapilitang pinagsasanay bago isabak sa trabaho na may kinalaman sa mga turista.

“Kham Lha was in a really bad way when she came to us. She had been tied up and forced to undergo cruel training known as crushing to prepare her to work in the tourist industry.” Pahayag ni Darrick.

“We freed her and helped her to recover. She became really close to me, and we formed a strong bond. I went in the river to show just how remarkable the relationship with humans is. And that if you show warmth and kindness to them, they will treat you well, too.” Dagdag pa niya.

Samantala, ayon sa ilang ulat sa Thailand ang ganitong klaseng pang-aabuso sa mga elepante ay maraming insidente kaya naman ito ay mahigpit nilang kinukondena lalo na at isa rin talaga sa mga atraksyon sa Thailand ay ang mga malalaking hayop tulad ng Elepante.

Masakit lang isipin na kailangan sapitin at pagdaanan ng mga Elepante ang mahihirap na pagsasanay na ito.