P20 ng isang simpleng maybahay, naging P400m matapos solong manalo sa GRAND L0TT0

Talaga naman magiging masaya ka kapag dumating sayo ang swerte, yung tipong instant milyonaryo agad at mabibili mo na ang gusto mong bilhin at mababayaran mo na ang dapat mong bayaran.

Katulad nalang ng isang simpleng maybahay na taga Ilo-ilo, solo lang naman niyang napanalunan ang limpak-limpak na milyones na nagkakahalaga ng P401 milyon jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 draw nitong July 9, 2022 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Narito ang mga maswerteng numero ng naturang ginang 02-18-49-07-19-47 ayon pa sa ginang ito raw ay “lucky pick” ticket na ang ibigsabihin raw ay system ang mamimili ng iyong tatayaan na kombinasyon ng mga numero, sinubukan lang daw niya ito kapalit ang bente pesos niya sa bulsa.

“Sabi po ng asawa ko try ko raw po tumaya ng isa lang na lucky pick para maiba naman. Kung suwerte ka talaga mananalo ka kahit LP [lucky pick],”

Kwento pa ng ginang, ngayon lang daw ulit siya tumaya sa lotto matapos ang mahigit 7-tain na nakalipas ng huli siyang tumaya.

Sinabi rin niya na hindi naman daw talaga siya tumataya ng lotto at sinubukan niya lang daw ito matapos pilitin ng isang mananaya.

“Kung para sa’yo para sa’yo, kahit ilang beses ka pa bumalik dito kung ‘di loob na Diyos na manalo ka, ‘di ka mananalo”

Samantala, sa inilabas na ulat sinabing kinubra na umano ng ginang ang kanyang premyo sa tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City.

Pahayag naman ng ginang, Kahit pa raw masaya sila dahil sa pagkakapanalo ng kanyang mister ay natakot din sila sa kanilang seguridad dahil sa malaling premyong napanalunan.

Plano umano ng ginang sa napanalunang pera ay magtayo ng mapagkakakitaang negosyo at magbahagi ng donasyon sa simbahan at ilan pang mga organisasyong tumutulong sa mga taong nangangailangan.

Marami naman mga taga Ilo-ilo ang humihingi ng balato sa naturang Ginang na ngayon ay instant milyonarya na.

Marami sa ating mga kababayan ang nahuhumaling sa pagtaya sa Lotto dahil baka nga pagdating ng araw ay katulad ka ng naturang Ginang na mula Ilo-ilo na instant Milyonaryo!

Source: GMA News