Isa sa mga tagapagmana ni Willie Revillame, usap-usapan dahil sa taglay na kagandahan

Marahil lahat ay nakakakilala sa isang Willie Revillame isang comedian, businessman, host singer siya ay mas kilala sa tawag na “Kuya Wil” ng taong bayan.

Minahal ng taong bayan si Kuya Wil, dahil kahit siya ay nasa tuktok na ng tagumpau ay hindi ito nakalimot na magpasalamat sa Panginoon at mag-abot ng tulong sa mga tao lalong-lalo na sa mga mahihirap.

Lagi sinasabi ni Kuya Wil sa kanyang programa na Wowowin na nagsimula rin umano siya sa mahirap na buhay simula noong bata pa siya, kung kaya naman ramdam din daw nito ang paghihirap ng ating mga kababayan na lumalapit sa kanya upang humingi ng tulong.

“Na-experience ko yung nakatira ako sa nanay ko na iba ang asawa. Nakatira ako sa tatay ko iba ang asawa. Babalik ako sa nanay ko iba ang asawa. Nabuhay ako ng halos ako mag-isa.” kwento ni Willie.

“Di ko nakakalimutan ‘yung Bustamante street. Barker ng jeep. Meycauayan-Malinta. Pagkatapos naglilinis ako ng jeep. Naglilinis ako ng jeep ‘yung krudo. Alam mo ‘yung lagayan ng mga langis, may basahan ako. Bibili ka sa palengke, ku-kruduhan mo ‘yung jeep.” ayon pa kay Willie.

Dahil sa sipag at angking talento ni Kuya Wil sa larangan ng showbiz ay unti-unti niyang naabot ang tagumpay at naging tanyag at dito rin siya nagsimulang yumaman.

Sa pagpasok ni Kuya Wil sa showbiz marami rin siyang naging karelasyon at ang isa nga sa kanyang naging anak na pumasok rin sa showbiz ay si Merylle Soriano na kanyang anak sa dating karelasyon na si Bec-Bec Soriano.

Subalit lingid sa alam ng karamihan ay mayroon pa pa lang isang napakagandang anak na babae si Kuya Will na si Marimonte Shanelle Viduya Revillame.

Si Marimonte ay naging anak ni Willie sa dati nitong karelasyon na non-showbiz na si Sharon Viduya.

Makikita sa mga larawan ni Marimonte ang taglay nitong mala-artistahin looks ngunit tila hindi pa umano nito naiisipan na pasukin ang mundo ng showbiz.

Ayon sa aming nalaman, kahi daw hindi madalas na nakakasama ni Marimonte ang kanyang ama na si Kuya Wil ay hindi nito kailanman tinalikuran ang obligasyon sa kanyang anak.

Pahayag naman ni Kuya Wil, sinigurado na raw niya ang lahat ng pangangailangan ng kanyang anak lalong-lalo na ang mga bagay na kakailanganin nito sa future.