Babaeng hindi nagbayad sa und3rweår na inutang na nagkakahalaga ng P800, ipinahihya at ipina-tarpaulin

Dumulog sa programang Raffy Tulfo In Action ang isang babae na mula sa Batangas, ito ay matapos ibandera umano ang kanyang mukha sa isang tarpaulin dahil hindi raw siya umano nakapagbayad ng kanyang utang.

Umutang umano si Gengerie Comprendio ng produktong und3rw3ar kay Nelia Muico ng Natasha Lemery ngunit hindi raw ito nakapagbayad sa takdang araw na napag-usapan.

Ayon pa kay Gengerie, ipina-barangay din daw siya ni Nelia dahil hindi siya nakabayad agad sa kanyang inutang na produkto.

Nakiusap naman raw siya kay Nelia na maghintay dahil wala siyang trabaho at dala na din ng pandemya.

Dahil nga walang mapagkakakitaan sa probinsya si Gengerie ay napilitan daw siyang pumunta sa Maynila para magtrabaho at makabayad na sa kanyang pinag-kakaut@ngan.

Subalit laking gulat ni Gengerie ng malaman niya sa kanyang kamag-anak na naka balandra umano ang kanyang mukha sa isang tarpaulin at nakalagay din ang detalye ng kanyang utang kay Nelia.

Dagdag pa ni Gengerie, kahit nakapagbayad na daw siya mahigit isang buwan ay hindi pa rin daw inaalis ni Nelia ang tarpaulin.

Samantala, ng imbestigahan ng RTIA ay napag-alaman na mayroon penalty na 5% ang bawat araw na hindi nakakabayad si Gengerie.

Larawan ni Nelia Muico na nagpa tarpaulin kay Gengerie (screengrab mula sa Raffy Tulfo in Action)

Naluha na lang si Gengerie sa sobrang sama ng loob dahil sa labis na pamamahiya sa kanya pati na sa kanyang pamilya. Gayunpaman, wala daw pinirmahang na dokumento o kasunduan si Gengerie tungkol sa interes kaya hindi na umano valid ang pagpataw ng interes sa kanya.

Humingi naman ng panawagan ang RTIA na alisin na ni Nelia ang tarpaulin dahil maaari siyang kasuhan ng Libel.

Sinubukan naman ng RTIA na tawagan si Nelia subalit hindi ito sumasagot, kaya naman idinulog ito ng programa sa barangay upang dito magkaharap ang dalawa.

Patunay ito na nakakatakot ang mangutang lalao na kung mabubuyangyang sa publiko ang mukha kapag hindi ito nakapagbayad sa takdang araw.

Sa post na binahagi ng KAMI sa Facebook ay marami ang napa react at hati ang saloobin ng mga netizen. May ilan na nagsabing exaggerated ang penalty na 5% kada araw. Mayroon namang nagsabi na huwag nang mangutang kung walang kakayahan na magbayad agad.