Isang Binatilyo, kamukhang-kamukha ng yuma0ng aktor na si Rico Yan na naging usap-usapan!

Marahil marami sa atin ang nakakakilala sa yuma0ng aktor na si Rico Yan, isa siya sa pinakasikat noon na artista sa bansa at isa sa may pinaka-gwapo at may magandang mukha sa showbiz industry.

Kamakailan ay pakiramdam ng mga netizen ay nabuhay muli ang dating matinee idol at kanilang idolo na si Rico Yan sa katauhan ng isang Binatilyo.

Nakilala ang binatilyo na si Alfonso “Alfy” Yan-Tueres, anak ng kapatid ni Rico Yan na si Geraldine.

Makikita sa mga litrato na malaki ang pagkakahawig ng mag-tito at marami naman ang nagsabi na pwedeng ipagpatuloy ng binatilyo ang nasimulang career noon ni Rico Yan na nawala sa edad na 27.

Samantala, sa edad ni Alfy na 14 taong gulang ay pumayag na ang kanyang mga magulang na pasukin nito ang mundo ng showbiz, sumang-ayon daw ang magulang nito dahil pinatunayan ng binata na kaya niya pagsabayin ang pag-aaral at pagmomodelo.

Pangarap na daw noon ni Alfy ang mag-artista. Gaya ng kanyang tito, papasukin muna niya ang mundo ng commercials at dito muna gagawa ng pangalan bago mag-umpisa sa pag-aartista.

Sa kasalukuyan ay nag-aaral pa si Alfy at proud na proud ang kanyang magulang lalong lalo na ang kanyang ina dahil sa nakukuha nitong academic award.

Para sa kaalaman ng marami, Taong 2002 ng March pumanaw ang aktor na si Rico Yan dahil sa “c@rdiac arrest resulting from hem0rrhagic pacreåtit!s” habang nagbabakasyon sa Dos Palmas Resort sa Puerto Princesa, Palawan.

Ang aktor ay maraming nagawang pelikula at teleserye na talagang tinangkilik ng kanyang mga tagahanga, kabilang na ang blockbuster hit na “Got 2 Believe” with his on screen and real-life partner Claudine Barreto.

Napanood din siya sa youth-oriented show na “Gimik” at sa mga Kapamilya soap 0pera na “Mara Clara,” “Mula Sa Puso” at “Esperanza” kasama si Judy Ann Santos.