Lalaking inakalang ‘Taong Grasa’, namimigay pala ng krayola mula sa kanyang pera na inipon ng 2 taon

May kasabihan nga tayo na “Don’t judge the book by its cover”, Ito rin ang kasabihan na maihahalintulad sa isang lalaki na viral ngayon sa social media.

Ito ay matapos siyang mapagkamalan na “Taong grasa” dahil lamang sa hitsura nito at kanyang pananamit nang siya ay magtungo sa isang paaralan dala nito sa kanyang likod ang tila sako na may laman.

Napagkamalan raw ito noong una na palaboy dahil raw sa suot nito, subalit namangha ang mga guro ng isang paaralan nang malaman nila na namimigay pala ang lalaki ng mga pangkulay o krayola para sa mga mag-aaral.

Sa post ng isang guro na si Ma’am Julliet Justo, ang “Good Samaritan” ay si Chris na labis niyang pinasasalamatan sa pagmamalasakit nito sa mga estudyante.

Naging emosyonal ang mga guro ng Calizo Elementary School sa Balete, Aklan nang kanilang matanggap ang munting regalo ni Chris para sa mga bata na noong una daw ay inakala nilang “taong grasa” dahil na din sa hawak-hawak nitong sako. *

Nagbigay si Chris ng 80 na kahon ng Krayola para sa mga mag-aaral ng elementarya sa Calizo.

Bukod pa rito, mayroon pang 80 na kahon naman na krayola para sa mga mag-aaral ng high school.

Ayon sa ulat, ang pera daw na ipinambili ni Chris ng mga krayola ay mula sa kanyang sariling ipon sa loob ng dalawang taon.

At para madagdagan ang kanyang ipon ay nanghingi din ang good Samaritan ng tig-limang piso sa kanyang mga kakilala.

Ang ginawa na ito ni Chris ay maging halimbawa sa na sa lahat at maging aral, na huwag agad mang husga ng tao base sa panlabas nitong hitsura.