Isang Tatay na may kap@nsanan na gumagawa ng basahan, dinagsa ng tulong matapos maloko ng isang customer

Minsan talaga kapag may hindi magandang nangyari ay mas may biyayang dumadarating. Gaya na lamang ng inyong matutunghayan ngayon.

Dinagsa ng tulong mula sa mga concern citizen ang isang matandang may kap@nsanan matapos hindi kunin ng customer ang pinagawang basahan o doormat sa naturang matanda.

Sa Facebook post ni Tatay Reynaldo Patron, dito niya ibinahagi at inilabas ang sama ng lo0b sa isang customer na kinancel umano ang isang daang basahan na order umano sa kanya.

“Grabe paghihirap ko gumawa bakit kung kailan natapos na tsaka mo di kukunin ala-una kong matulog matapos lang tapos hindi pala kukunin,” sabi ni tatay Reynaldo.

Agad na nagviral ang post ni Tatay Reynaldo sa social media, umabot agad ito ng 6.5K shares at 11K reactions.

Isa sa mga naki-comment at simpatya kay Tatay ay ang netizen na si Leerioh Soliman, ayon sa kanya kukunin na raw niya ang 50pcs na basahan.

“Kukunin ko na po yang 50pcs na basahan na hindi kinuha sa inyo.” – Leerioh Soliman.

Nagcomment din ang mga netizen na sina John Paul Constantino at Rovie Jean Valenzuela na kanila raw bibilhin ang lahat ng basahan na tinda ni Tatay Reynaldo.

“Bibilihin ko na po lahat ng ginawa ni Tatay” -John Paul Constantino.

“Take all ko na po if Avail pa” – Rovie Jean Valenzuela.

Marami rin ang nagpadala ng tulong sa matanda sa pamamagitan ng Gcash.

Nagpadala naman ng grocery supplies ang netizen na si Rose Cabarles.

Aniya, “Maliit na tulong ko po ito para kay Tatay. Thank you so much, Lord sa lahat ng blessings at sa pagkakataon na maibahagi ko po ito sa iba kahit konti.”

Source: Reynaldo Patron