Isang Ina na 85 taong gulang, binuhusan ng kaning-baboy ng sariling Anak viral sa socmed

Ang mga magulang ay ang taong pinagkakautangan ng ating buhay na kanilang mga anak, kaya naman obligasyon natin bilang mga anak na sila ay mahalin, igalang at higit sa lahat ay respetuhin.

Kahit na dumarating minsan ang pagkakataong hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng magulang at ng anak ay hindi ibig sabihin ay pwede natin bastusin at walang-hiyain ang magulang na nagbigay ng buhay sa kanyang mga anak.

Katulad ng kwento na ibinahagi sa Facebook ng netizen na si Willie Damascos, makikita rito ang larawann at nangyaring kalunos-lunos sa isang 85 tsong gulang na matandang ina na ayon sa nagbahagi ng kwento ay tinapunan raw ng kanin baboy ng sarili nitong anak.

Ayon sa caption ng post ng concerned netizen na si Willie:

“85 years old na Nanay, gibuhusan ig lamaw sa iyahang anak nga tumboy, tarong ba gud na?!”

Makikita sa larawan ang matandang ina na pinagtitinginan ng kanyang mga kapitbahay na basang-basa mula ulo hanggang paa maging ang buong suot nitong damit ay sobrang dumi at halos may kanin-kanin pa.

Dahil sa ibinahagi na pangyayaring ito maraming netizen ang halos madurøg ang pusø ng makita ang ginawa sa matanda at lahat ay galit na galit sa gumawa nito dahil hindi daw tama ang ginawang kababuyan sa matanda at hindi makatarungan.

Matapos niyang palakihin ang kanyang anak ay ganito lamang ang isusukli sa kanya.

Kung mayroon man silang hindi napag-usapan ay sana hindi niya parin ginawa ito sa kanyang ina lalo na at may edad na ito.

Hindi naman napigilan magpaabot ng mga netizen ng kanilang komento ukol sa nangyari kay nanay:

“Walang kwentang anak! Matapos bigyan ng buhay ganyan isusukli balang araw babalik sayo lahat ng ginawa mo sa nanay mo!”

“Kawawa naman, hindi man lang ba siya naawa sa nanay niya matanda na si nanay oh 🙁 sana may tumulong”

“Grabe naman. Kung di mo kayang irespeto pagkatao niya sana sa edad man lang niya ginalang mo, hayop kang anak!”

May mga netizen naman ang nagtatanong kung ano ang naging rason kung bakit ginawa iyon ng anak sa sarili niyang ina. Ngunit sinagot naman ito ng ibang netizen na kahit pa anong gawin ng magulang ay wala parin dahilan upang gawin ng anak ang kawalang-hiyaan na pambabastos na ginawa kay nanay lalo na sa edad nito.

Sigaw naman ng maraming netizen na sana ay matulungan ang matanda at panagutin ang anak dahil sa ginawa sa kanyang sariling Ina.