Grade-9 Student, isinasama ang anak na sangg0l sa paaralan para hindi mamiss ang klase: Guro tumutulong sa pag-aalaga habang nasa paaralan

Marami sa atin ang hindi nakakapagtapos ng pag-aaral dahil sa kanya-kanyang kinakaharap na problema, Ang iba ay tumitigil sa kanilang pag-aaral dahil sa kahirapan ng buhay at kakulangan ng suportang pinansyal mula sa magulang.

At ang iba naman ay napatigil sa pag-aaral dahil sa maagang nakapag-asawa at nagkaroon ng mga anak. Kaya naman imbis na ang pagtatapos ang kanilang unahin ay napipilitan silang tumigil at ilaan ang oras sa kanilang pamilya.

Samantala, para sa isang taong gustong matuto at makapagtapos ng pag-aaral ay kahit ano sigurong problema at pagsubok na dumaan ay walang makakahadlang.

Katulad ng kahanga-hangang kwento na ito na ibinahagi ng butihing Guro na si Tricia Anne Ureta Manlanat tungkol sa kanyang Grade-9 student mula sa Progreso Village National High School sa Barangay Vista Alegre, Bacolod City.

Kwento ni Teacher Tricia Anne, sa kabila daw ng pagiging Ina ng kanyang estudyante kahit raw mahirap ang sitwasyon nito ay gumagawa raw ito ng paraan para lang hindi siya mag liban sa klase.

“I have a student na may baby na at an early age (who are we to judge). May class sila 10:30, 9:30 pa lang, pumunta na ang guard sa amin telling us na may grade 9 student daw na papasok pero may dalang bata. Baby pa talaga.”

Isinasama raw ng kanyan estduyante ang sanggol pa lamang na anak nito sa pagpasok sa kanilang paaralan.

Talagang isa raw inspirasyon ang ipinapakitang tapang at dedikasyon sa pag-abot ng pangarap ng kanyang estudyante. Hindi lang daw para sa sarili nito at maging sa kinabukasan ng kanyang anak.

“Sabi niya “Ayoko ko po Ma’am umabsent”.

“Dito mo talaga makita na dedicated talaga ang estudyante kahit pa ganyan ang sitwasyon niya. At makikita mo din na may will siya na i-continue ang pag-aaral niya for her and her child’s future,”

Ang post naman na ito ni Teacher Tricia Anne ay umani ng maraming positibong reaksyon at komento mula sa mga netizen dahil sa ipinamalas nitong kabutihan sa kanyang mag-aaral. Inaalagaan raw ni Teacher Tricia Anne ang sanggol habang nagkaklase ang Nanay nito.

Ito’y patunay na hindi lang sila basta mga guro lamang, sila’y tunay na mga pangalawang magulang ng mga bata na katulad ng mga magulang, wala silang ibang hangad kundi ang kabutihan at ang kinabukasang kahaharapin ng kanilang mga estudyante.

NARITO ANG KABUUANG POST NI TEACHER TRICIA ANNE MANLANAT :

Sa Facebook ko lang to nakikita. I have a student na may baby na at an early age (who are we to judge).

May class sila 10:30, 9:30 pa lang, pumunta na ang guard sa amin telling us na may grade 9 student daw na papasok pero may dalang bata. Baby pa talaga.

I knew na kaagad kung sino na estudyante kasi nung nag activity kami na “Draw what you love” Baby niya ang iginuhit niya.

Nagdalawang isip ang ibang co-teacher ko na papasukin ang estudyante kasi baka daw makaka-istorbo. But ang sabi ko “we can’t refuse students to attend class dahil lang diyan.”

At sabi niya “hindi ko po Ma’am gusto mag-absent”. Lima kami na female teachers sa room so pwede namin salit-salitan sa pag-aalaga. But luckliy magpapa-reading lang kami today so pinauna nalang namin siya para maka-uwi na kaagad. Wala daw maiwang mag-aalaga sa bata dahil may lakad ang magulang niya.

Dito mo talaga makita na dedicated talaga ang estudyante kahit pa ganyan ang sitwasyon niya. At makikita mo din na may will siya na i-continue ang pag-aaral niya for her abd her child’s future.

Source: Brigada