Lalaking naglabas ng upuan para lang mag pahangin, Ginaya ng mga kapit-bahay na inakalang may magrarasyon ng Relief Goods.

Dito sa atin larawan ng mga Pilipino ang pagbibigayan, Nakasanayan nanatin na pagdating sa ating mga kapitbahay o mga nakapaligid sa ating ay magbigay kung anong meron tayo sa ating bahay.

Tulad na lamang na pag may luto tayong ulam, Nag-aabot tayo sa ating mga kapitbahay at kapag may okasyon sila ating unang iniimbitahan.

Ganyan ilarawan ang mga Pilipino, Kahit pa kaunti o marami tayo ay nagbibigay sa kapitbahay. Napaka swerte mo lalo kapag ang iyong kapit bahay ay mapagbigay na masarap pang magluto.

At kung kapitbahay lang naman ang pag-uusapan marami din ang kapit bahay na hindi maganda ang pakikisama sa iba, ang iba ay mapanghusga pagchichismisan ka at ang iba ay tamang hinala.

Nakaraan lamang ay may nakakatuwang pangyayari kay Kinshi Morfe. Ayon sa kanyang post sa isang social media.

Isang araw ay naglabas siya ng upuan sa kanilang labas ng bahay upang magpahingin, pumasok lamang siya sa kanilang bahay para magpalit ng damit.

Laking gulat niya at paglabas niya ulit ay marami ng upuan sa kanya-kanyang labas ng bahay ng kanyang kapit bahay. Maraming netizens ang nakuha ang atensyon dahil sa pangyayaring ito at hindi napigilang magkomento.

Tulad ng isang netizen na to na nagbigay ng kanyang komento:

“Ganyan talaga ang ibang kapitbahay kung anong gawin ng isa ay gagayahin ng lahat”.

Ang ganitong paglalagay ng silya sa labas ay isa din sa mga paraan ngayon ng gobyerno sa pamimigay ng relief para maiwasan ang pagkakaron ng contact sa maraming tao. Kapag ikaw ay walang upuan sa labasan nangunguhulagan to na wala kang relief.

Siguro nga kaya ginawa rin ito ng kanyang mga kapitbahay ay naniniguro lang na sila ay maabutan kung sakaling may mag-rasyon ng tulong sa kanilang pamilya lalo na ngayon sa panahon ng krisis na ating kinahaharap.