Mag-couple na ikinasal kahapon, naghiwalay rin kinagabihan! Viral!

Para sa mga dalawang taong nagmamahalan ang kasal ay isang sagrado ito ay nagsisimbolo ng tunay na pagmamahalan ng magkasintahan at bilang pag-iisang dibdib narin ng dalawang nagmamahalan.

Samantala, sa panahon ngayon ang pagpapakasal ay hindi biro dahil kinakailangan ng budget o pera para maisaayos ang lahat ng kailangan para narin sa mga bisita , kamag-anak, ninong at ninang sa kasal.

Kaya naman masasabing ang pagpapakasal ay hindi basta-basta kaya naman nakakapanghinayang at ang sakit isipin ang kwentong nangyari sa dalawang mag-irog na ito. Sila ay sina Renie at Jaimelyn matapos kasi silang ikasal noong umaga ay agad naghiwalay pagsapit ng gabi.

Lumapit at humingi ng tulong sa programang Raffy Tulfo in Action ang lalaking asawa na si Renie upang manawagan sa ginawang pang-iiwan sa kanya ng misis nito na si Jaimelyn.

Ayon kay Renie hindi raw niya alam bakit agad siyang iniwan ng kanyang misis wala pang isang araw matapos silang ikasal at bukod dito itinakas pa daw nito ang perang 10K na kanilang nakuha sa money dance ng kanilang kasal.

Pagpapatuloy pa ni Renie hindi raw biro ang kanilang nagastos sa kanilang kasal dahil isinanla pa niya ang kanilang lupa upang matuloy lamang ang kanilang pag-iisang dibdib at ipinambili ito ng lechon na nagkakahalaga ang lahat ng kanilang inutang ay mahigit 50K.

Kung hindi raw mababayaran ang kanilang utang ay tiyak na makukuha sa kanila ang isinanlang lupa, humihingi rin ng tulong ang mga kaanak ni Renie na sana’y matulungan sila ni Raffy Tulfo na mabigyan ng 50K upang matubos ang kanilang lupa.

Samantala, may mga netizen na nagkomento sa videong ito ang marami ay nadismaya dahil maaari naman daw ikasal na hindi kailangan gumastos ng malaki at lalong lalo na ang mangutang.

Narito ang ilang mga komento ng Netizen :

“Kap@l ng mga mukha, wala pala pera magpapakasal tapos maghihiwalay, wag niyo na po tulungan mas marami pong deserve na tulungan kesa sa mga yan.”

“Para-paraan sila Sir Raffy, wag niyo tulungan lumapit lang diyan yan para mabayaran ang mga utang, magpapakasal ng bongga tapos mangungutang at ipapabayad sa iba”

“Sinasayang niyo lang oras ni Sir Raffy, maraming taong tunay na ngangailangan ng tulong.”